Co-workshopper ng kaibigang blogger na si Albert Bryan ang baguhang si Christian Bables na first mainstream movie ang horror-comedy film na “I Love You To Death” na pinabibidahan nina Enchong Dee at Kiray Celis.
On the side kasi, ang DLSU-Dasma graduate na si Christian ay lumalabas na pala sa indie films noon bago pa napasa-kanya ang super challenging role niya as the beki friend of Kiray sa pelikula who plays the role of Apol.
Nag-undergo ng audition si Christian para makuha niya ang importanteng karakter na ito sa pelikula. “This is my biggest role. Not all newcomers ay nagkakaroon ng ganitong chance,” sabi niya sa amin sa grand presscon ng pelikula last Friday.
Walang care si Christian kung beki role man ang nakuha niya after the audition.
“Challenging po kasi. I don’t mind. It’s just a role,” sabi niya na kampante ang binata sa sexuality niya.
Sa audition na isinagawa ng Regal Films, naging matinding kalaban niya sa role si Fifth Solomon of Star Magic, kung saan si Christian ang napili.
Sabi sa amin ng isa sa production insider ng pelikula, “Malaki ang edge niya para mapunta sa kanya ang role kaysa kay Fifth. Mas magaling siya. More sosyal si Christian sa acting niya.”
Kabilang din sa baguhang male cuties sa pelikula sina Nico Nicolas at Paolo Gumabao na ipakikilala namin isa-isa sa kolum namin dito sa Reyted K.
“I’m thankful sa Regal films for this big break,” sabi bi Christian sa amin.
Sa July 6 na ang showing nationwide ng “I Love You to Death” with a premiere night on July 1 na ang venue ay ia-annouce pa lang very soon.
Reyted K
By RK VillaCorta