NATUTUWA SI Christian Bautista na maganda ang feedback sa duet nila ni Jessica Sanchez sa pilot episode ng Sunday Pinasaya noong Linggo. Ang nasabing bagong show ng GMA ang naging kapalit ng Sunday All Stars.
“It was great!” sabi nga ni Christian. “It was magical. And I’m so happy that everyone liked it. And Jessica enjoyed as well. Kasi siyempre, first episode ng Sunday Pinasaya. So, we had a good time. We sang Two Forevers, it’s a new duet with me and Jessica. It’s out now sa Spotify, ITunes, Spinner… and it’s gonna be part of the repackaged album na Soundtrack,” pagtukoy ni Christian sa kanyang latest album.
Sino ang nag-compose ng Two Forevers? “‘Yong nag-compose po ng unang kanta ko dati na The Way You Look At Me, si Andrew Fromm.”
Isinulat ba ito para sa klanilang dalawa ni Jessica talaga? “He had this song a while ago na. And then sabi niya bagay sa amin, so ibinigay niya sa amin. We recorded the song a few months ago.”
Bago ‘yong kanilang performance, isang pasada lang daw daw silang nag-rehearse. Talagang gamay na kaagad nila ni Jessica ang isa’t isa kung pagdu-duet ang pag-uusapan? “Dahil din nga na-record na namin ‘yong kanta a few months ago. Tapos kinanta namin kanina ulit. Inaaral naman talaga ‘yan sa bahay, e. Tapos pagdating do’n, game na.”
So, effortless na para sa kanila ni Jessica ‘yong kanilang duet, gano’n? “Parang gano’n. Smooth… natural.”
Pagkatapos ng kanilang guesting sa Sunday Pinasaya, kinagabihan ay muli nilang kinanta ang Two Forevers sa show naman ni Jessica sa Chaos Club sa City Of Dreams kung saan guest si Christian.
Kailan kaya mauulit ang paggi-guest niya sa bagong Sunday variety show ng GMA na naging kapalit ng Sunday All Stars?
“I’m not sure of the regularity of that. Pero, it’s just really a special guesting for a special show. Kasi siyempre ang mga mains naman ay sina Marian (Rivera) and Ai-Ai (delas Alas) and all the other comedy actors.”
Nasanay siya dati na may regular live show tuwing Sunday afternoon. Paano maiiba ang mga daraang Linggo niya sa ngayon? “More on ano… mall shows, provincial shows, mga out of town, and mga out of the country rin. Meron kasi akong gagawing show sa U.K., meron din sa Texas, sa San Francisco, New York, Singapore… so, medyo concentrate sa international. ‘Yong show ko ngayon, meron akong hinu-host na singing contest. Ito ‘yong To The Top na boy band search show ng GMA.”
And how does he find being a solo host of a talent search program? “Parang ano… going back to my roots. Kasi Star In A Million ako dati. So ngayon, ako naman ang naghu-host ng singing contest. And nag-host na rin ako dati sa ABS-CBN, ‘yong Star Power with Sharon Cuneta. I like hosting, e. Nag-host din ako noon sa Marian Rivera show for two seasons.”
How about acting? May bagong soap ba siyang gagawin? “Kakatapos lang ng my Mother’s Secret. So, I’m very happy, I’ve learned so much. And sa ngayon, focused muna ulit on the music. Most likely until December na sa music muna ako, yeah! Booked na ako sa maraming shows nitong mga susunod na buwan. Up to November.”
Sa ngayon, pinaghahandaan na raw niya ang mga shows na gagawin niya abroad. “Yong sa Texas, concert talaga at saka ‘yong sa San Francisco. ‘Yong sa U.K., special project ‘yon. ‘Yong sa Singapore is a show. Tapos ‘yong sa San Francisco is a GMA Pinoy TV show.”
Sino ang mga ibang Pinoy artists na kanyang makasasama sa mga concerts at shows niyang ito? “Solo artist ako ro’n sa concerts at shows. Sa GMA Pinoy TV show naman, makasasama ko sina Dingdong (Dantes), si Ai-Ai (Delas Alas), si Betong, at Julie Anne San Jose. At meron kaming duet (ni Julie Anne) na Cruisin’. And it’s out now on MYXX,” panghuling nasabi ni Christian.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan