NA-SURPRISED NGA ang marami dahil first time na nag-rap ni Christian Bautista. Ito ay sa production number na ipinanlaban ng kanilang grupo, kung saan siya ang team leader sa pilot episode ng Sunday All Stars (SAS). At nagawa naman niya ito nang buong husay.
“’Yon nga, eh. And it’s fun!” sabay ngiti niyang sabi nang makausap namin. “Talagang… ang saya! Everyone naman did their best. Talagang tulungan. I’m so happy.”
Being the team leader, talagang discipline daw ang in-emphasize niya sa mga ka-grupo. Na… when you’re on time, you’re late.
“Itinuro sa akin ni Direk Freddie Santos ‘yon, eh. That’s one of the reasons na talagang… ‘yong teatro na itinuro sa akin na… you know, you have to be professional.”
Ang team kung saan leader si Jennyln Mercado ang nanalo. Pero happy pa rin daw si Christian sa kinalabasan ng kanilang performance.
“Happy ako sa naging result. I’m very very happy. Kumbaga, win or lose. Kasi para naman sa mga Kapuso ito, eh. At saka it’s not about the competition. It’s giving your best for the network and for the viewers. And that’s what it’s all about.”
Bukod sa SAS, ang isa pang pinagkakaabalahan ni Christian ngayon ay ang taping para sa bagong series ng GMA na With A Smile. Co-stars niya rito sina Andrea Torres at Mikael Daez.
Masaya naman daw siya sa first soap niyang ito sa Kapuso Network. “Naka-three weeks na kami ng taping. And lalabas na nga siya sa 24th. So sana magustuhan ng mga tao.”
Kumusta naman ang muli niyang pagsabak sa acting after a long time? “Medyo nakakanerbiyos. Kasi first nga ulit in a long time. Pero… I’m feeling it. The cast is wonderful. Direk Louie Ignacio is wonderful.”
Nangiti si Christian nang kumustahin ang kasalukuyang estado ng kanyang lovelife.
“Okey naman,” matipid niyang sagot.
‘Yong Singaporean pa rin ang karelasyon niya? “Actually right now, I don’t want to talk about it,” nangiting pag-iwas ng balladeer.
Marami ang nakakapansin na mas gumuwapo siya ngayon. At mas sexy ang kanyang dating.
May plano ba siya na medyo maging sexy rin ang kanyang image at this point?
“Sabi raw?” natawang reaksiyon ni Christian. “’Yong sexy image, I did already before with my Gold’s Gym and Bench endorsements. And okey lang naman if ever maulit ‘yon,” sabi pa niya.
MAY MGA na-disappoint sa pilot episode ng Sunday All Stars (SAS). Nag-expect daw sila ng isang bonggang-bonggang new Sunday musical variety show ng GMA bilang kapalit ng Party Pilipinas.
Pero wala pa rin umano itong binatbat sa katapat na ASAP ng ABS-CBN. Para lang daw itong Saturday edition ng That’s Entertainment noon na may labanan ng mga production numbers.
At dahil diyan, may mga nagsasabi na mukhang hindi rin daw magtatagal ang SAS. Bukod daw kasi sa luma ang dating ng format o wala namang bago sa concept nito, isang weakness din ng show ang kakulangan ng big stars.
Unlike daw sa ASAP na bukod sa mga naggagandahang production numbers ay talagang ‘di hamak na mas marami ang napapanood dito na big stars talaga.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan