MATAPOS MAKASAMA ang ex-girlfriend niyang si Rachelle Ann Go sa isang caravan show ng GMA Pinoy TV sa Dubai kamakailan, may mga nagbibiro kay Christian Bautista kung wala bang na-rekindle sa kanilang dalawa lalo at ilang araw sila roon.
“Masaya po ‘yong Dubai trip namin. Meron pasyalang nangyari nang konti. Mabilisan na parang sa Extra Challenge!” tawa pa niya.
So close ulit sila ng ex niyang si Rachelle Ann nang dahil sa pagsasama nila sa Dubai? “Lagi naman kaming friends na talaga. Whether we’re in Dubai or Manila. Friends naman kami talaga lagi.”
Nagkaroon daw sila ng duet number ni Rachelle Ann. How was it performing na kasama ulit ang ex-girlfriend niya?
“Maganda!” sabay ngiti niya. “Maganda ‘yong duet na nangyari. At ‘yong mga kababayan natin doon, very, very warm ang naging pagtanggap sa amin. Ang Dubai naman, I’ve been there siguro mga five times na. Talagang ‘yong mga Pinoy doon, lagi silang sabik. They sing along. Gusto nila ‘yong kinakausap mo sila. At gusto nila ‘yong laging may interaction.”
Kumusta ba ang puso niya ngayon?
“Okey naman. Sakto lang!” nangiti ulit si Christian. “Sakto lang. Normal.”
Mero na siyang bagong special someone? “Hindi pa muna sa ngayon. Hindi muna.”
Pagkatapos ng morning series na With A Smile na tinampukan nila nina Andrea Torres at Mikael Daez, anong sunod na bagong gagawin niya sa GMA?
“Sa ngayon, wala pa. Ito munang Sunday All Stars. And then the musical Cinderella sa Resorts World. We’ll gonna run October 9 to December. So, I’m doing thirty shows. Kasama ko rito si Karylle naman. Third or fourth time na namin ito already.”
Enjoy naman daw si Christian sa mga pagkakataong nakakasama siya sa cast ng isang musical play.
“Since live siya, kaya of course mapi-feel mo kaagad ‘yong interaction mo sa audience. And sa story onstage… maganda talaga. Walang cut. So, dire-diretso.”
Mas may pressure gawin kumpara sa TV show o series? “Meron. Kasi parang… ‘yon nga, hindi ka makae-edit ng kahit na ano. So, kung anong magyari, kailangang mabawi mo ‘yon. Pero mas enjoy talaga ako. Kasi, do’n po ako nagsimula, eh. Sa musicals. And I would always love going back to musicals.”
NITONG MIYERKULES, October 2 isang special unity mass ang idinaos sa Cultural Center of Laguna, sa coumpound ng kapitolyo sa Sta. Cruz, Laguna. Bukod kay Governor ER Ejercito at maybahay niyang si Pagsanjan Mayor Maita Ejercito, naroon din ang ina at dalawang kapatid niya.
Nakiisa rin dito ang mga mayor ng iba’t ibang bayan sa Laguna, mga board members, mga nasa local government ng lalawigan, at iba pang tagasuporta ng gobernador.
Nagulat at nalunglot daw siya nang lumabas ang balita na dini-disqualify niya ng COMELEC bilang nanalong gobernador ng Laguna. Una pa niya umanong nalaman ito mula sa kanyang mga kaibigan sa media.
Overspending sa kanyang kampanya nitong nakaraang eleksiyon ang sinasabi ng COMELEC na dahilan kung bakit daw siya aalisin sa puwesto. Bagay na kanyang itinanggi dahil ang nagastos lang daw niya ay 4,101,586.62 at hindi raw higit sa 4.5 million pesos na itinakda ng batas.
Noong Martes, nag-file na siya ng Motion For Reconsideration. Tuloy umano ang kanyang laban habang gumugulong ang proseso.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan