CHRISTIAN JOSEPH Morata Bautista, kilala bilang si Christian Bautista at multi-platinum OPM singer hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa sa Southeast Asia tulad ng Singapore, Malaysia, Thailand, at Indonesia. Sa husay ng timbre ng kanyang boses, naging mainstay siya nang matagal sa variety Sunday entertainment show na ASAP ng ABS-CBN. Simula noong 2013, pumirma ng kontrata sa GMA Network, kaya ngayon ay aktibo sa TV bilang actor at host sa Channel 7. Meron siyang Bachelor of Arts Degree sa landscape architecture sa UP Diliman.
Christian, ngayon lang kita nainterbyu. So, Christian, sikat na sikat ka, saan ka na naka-level doon sa mga singers?
“Hindi ko kasi binibilang ang level, eh. I think it’s a good idea na ‘wag nating isiping may level para lagi kang free and excited. Ah, kasi when I started, alam mo ‘yung I was part of the OPM (Original Pilipino Music), kasama ko sina Sir Ogie Alcasid, sina Sir Gary Valenciano. Ayun, na-invite nila ako to judge and to sing. So, I was part of this OPM again. Nagkaroon na ako ng award sa kanila dati, mga 13 o 14 years ago na yata.”
Saan ka natuklasan?
“Sa ‘Star In A Million’ po (singing contest ng ABS-CBN).”
Ah, paano ka nahilig kumanta?
“Ah… sa choir sa Cavite noong 7 years old ako.”
Dahil miyembro ka ng choir o mahilig ka na talagang kumanta?
“Ah, noong bata pa lang ako, na-discover na ang talent ko, tapos na-develop pa sa choir at talagang hilig ko ang kumanta.”
Kapag kumakanta ka, nararanasan mo pa bang ninenerbyos ka?
“Ah, oo. Hanggang ngayon nininerbyos pa rin ako. Kailangan talaga kapag nagpe-perform ka, meron kang konting kaba. Para kapag nag-perform ka, maibigay mo ang best mo. Ang hindi lang maganda, ‘yung kaba mo masyado mong nararamdaman na hindi ka na makakilos.”
Siyempre, kapag lumabas ka na sa stage, nararamdaman mo ‘yung tao, sasabihin ‘Ayyy.. si Christian! Si Christian!’, ano ang nararamdaman mo?
“Halo-halo, masaya, kaba, excitement, may pribilehiyo, kasi maraming tao, binibigyan ka ng chance na kumanta sa maraming tao.”
Pero minsan ang artist, nagkakamali, minsan nabubulol, nagkakamali. Nagagawan mo ba ng paraan? ‘Di ba alam mo iyon, eh. Sabi nga noong isang artist na nakausap ko, natatakpan lang iyon, parang ‘wag lang amining nagkamali.
“Ako, sagot ko d’yan, ‘case to case basis’ yan. Merong pagkakamali na p’wede mong ma-ad lib na parang kasama ng performance mo. Merong pagkakamali na ‘ di mo talaga maiiwasan, pero patuloy ka pa rin. Merong pagkakataon o times na dapat ulitin mo talaga.”
Ganu’n? Baka words lang?
“Ah ‘yung kanta, uulitin mo. Depende, walang isang paraan. Merong paraan na kailangang ulitin. Me paraan na ia-ad lib mo na lang.”
Kaya nga iyong comedian, madali silang magpalusot doon. Behind of that, as Christian, minsan noong high school ka, nagkaroon ka na ba ng mga crush?
“Oo, naman! Hahahahah! Oo, kapag maganda, matalino, nakakatawa! Ako iyong tipong hindi ko alam ang gagawin ko.”
Namumungay-mungay ba ang mga mata mo?
“Oo, awkward!”
How about your father? Ano siya kumakanta rin?
“Oo, lahat kami kumakanta sa choir sa church.”
Ah, parang genes na?
“Oo, jeans (sabay turo sa pantalon niya). Hahahah!”
Hehe, palabiro rin itong si Christian.
May mga kapatid kang babae?
“Wala, all boys. Tatlo po kami.”
Ah, ako tatlo rin ang anak kong lalaki. So, naglalaro pa ba kayong magkakapatid, nagre-wrestling?
“Opo, basketball, computer, ayun. Ah, hindi na wrestling, computer games na lang.”
Tinanong ko siya sa kanyang lovelife.
“Ah, open book naman po ang lovelife ko.”
Pero mabait na bata itong si Christian Bautista. Naniniwala akong patuloy na magniningning ang kanyang career.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Email: [email protected]; cel. no. 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia