MASAYA AT thankful si Christian Bautista na maganda ang feedback sa latest album niyang Soundtrack. Kaya mas inspired siya at masigasig sa pagpu-promote nito.
“Ang carrier single nito ay ang ‘Up Where We Belong’ na ginamit na theme song sa Koreanovela sa GMA na ‘Empress Ki’. Tapos ang theme song nito ngayon ay A Thousand Years,” masiglang bungad niya nang makausap namin sa Sunday All Stars.
Nitong nakaraang Valentine’s Day, naging part din si Christian ng Only You Concert ni Matt Monroe, Jr. at ng The Platters na ginanap sa PICC.
“I would love to do a solo concert din ulit. I’m looking forward to that.”
May kasunod na ba ang Strawberry Lane na pinakahuling seryeng ginawa niya sa GMA, kung saan gumanap siya bilang kapatid nina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz?
“Wala pa for now. But if ever, I want a different role naman. Comedy or action siguro para hindi muna drama. Para another side naman ang makikita nila siguro.”
Malaking bagay raw kay Chiritian na nakapagbakasyon siya sa London for two weeks nitong January.
“I try to do it every year na mag-relax, mag-soul search… magplano kung anong gagawin this year? ‘Yong gano’n. Like… how to promote my new album Soundtrack really well. How to really maximize the videos, ganyan. And as for the other plans, sini-secret ko muna. Until final na talaga siya. Pero… ang dami kong nagawa a few months ago on singing, dancing, and hosting.
Kahit halos two months na ang nakararaan mula nang magbakasyon siya sa London, nasa isip pa rin daw niya ang masaya at unforgettable experiences niya roon.
“It was fantastic. Of course I got to see sina Rachelle (Ann Go) and Mark (Bautista). And they were fantastic sa Miss Saigon and Here Comes Love,” pagtukoy niya sa mga Broadway Musical kung saan isa sa cast si Rachel at ‘yong show ni Mark doon.
Ex-girlfriend ni Christian si Rachelle. At nakatutuwa na matapos silang mag-break ay na-maintain nila ‘yong friendship.
“I’m so proud of her no’ng pinanood ko siya sa Saigon. Napakagaling niya on stage. And… yeah! Napaka-sexy nga niya onstage!” nangiting sabi pa ni Christian hinggil sa pinag-uusapang daring o revealing costume ni Rachelle na gumaganap bilang Gigi sa Miss Saigon.
“Tama ang mga balita! And… napaka-pivotal ng role niya. Tingin ko naman okey siya. Nasanay na sa gano’ng costume niya, kumbaga. After a year of doing it? Oo. Ang ginagawa kasi niya, kahit na revealing ‘yong damit niya, very classy pa rin ‘yong galaw niya. So, hindi siya malaswa at all. Nadadaan niya sa dating, e.”
Sa anong aspeto siya talagang bumilib kay Rachelle during that time na pinanonood niya ito sa Miss Saigon.
“It’s still her voice, of course. ‘Yon talaga.”
Nagkaroon sila ng chance ni Rachelle to go out?
“Yeah! After no’ng performance niya, lumabas kami. Kasama namin si Mark who was there for six months para nga sa katatapos lang na show niyang Here Comes Love. Kababalik lang niya. And I’m happy na he’s back here. Grupo kami nang lumabas kasama si Rachelle. Para walang mga issue!” natawang sabi pa ni Christian.
Takot na siyang magkaroon ng issue tungkol sa kanilang dalawa ni Rachelle?
“A… it’s part of our lives na, ano? Pero… para maayos. Para malinis lahat.”
Kapag ba ex niya, hindi na niya talaga binabalikan. Hanggang friends na lang gaya nila ni Rachelle?
“Oo. And it’s better na maging friends than… magkaaway, I guess.”
‘Di ba if you’re still friends with your ex, open pa rin ang posibilidad na baka may ma-rekindle?
“A… wala pa namang gano’ng nangyayari,” natawa ulit na sagot ni Christian.
“Tingnan natin! Well, I can’t say. Pero the most important thing is… everything is okay with my exes!” natawa ulit na huling nasabi ni Christian.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan