Lahit pang-8th year na ng Mr. Gay World, wala pang Pilipino ang nananalo ng title dito. Hanggang semi-finalist lang ang Pilipinas kaya naman confident na sinabi ni Christian Laxamana na tatangkain niyang makuha ang title sa pag-compete niya rito on April 19-23 sa Malta.
Laking tuwa ni Christian dahil siya ang napili to represent the Philippines sa Mr. Gay World. Feeling blessed at lucky raw siya dahil matagal na niyang pangarap na sumali sa nasabing pageant.
Pero hiniling ng parents niya nooon na mag-focus muna siya sa pag-aaral kaya hindi niya na-pursue ang dream niya. Nagtapos siya ng Bachelor of Secondary Education Major in Music, Arts , Physical Education and Health.
Malakas ang laban ni Christian na makuha ang title dahil sa kanyang pisikal na anyo at talino. Bukod dito, may advocacy rin siya na i-encourage ang netizens na magpa-AIDS test bilang kinatawan ng LGBT sa Pilipinas.
Alam ng family niya na gay siya at very supportive daw ang mother niya nu’ng grand finals ng ‘I Am Pogay’ sa “It’s Showtime”. Nandoon daw ang nanay niya para i-cheer siya.
“Pakiramdam ko, handa na ako sa pageant. Nag-train ako at confident ako na makakaya kong ibigay ang best ko,” katuwiran ni Christian.
Bukod sa physical look, dala ng araw-araw na workout, winner din kung sumagot sa mga tanong itong si Christian. Magaling siyang mag-explain at halatang inaral kung ano ang mga sasabihin.
Kung mabibigyan ng chance, papasukin din ni Christian ang showbiz pagkatapos ng competition niya sa Mr. Gay World. Sumayaw, kumanta, at pag-arte ang kanyang talent.
Samantala, confident din ang national director ng Mr. Gay World Philippines na si Wilbert Tolentino na mananalo si Christian.
La Boka
by Leo Bukas