ANG BILIS ng panahon at ilang araw na lamang ay magpa-Pasko na at mag-babagong taon na. Kumbaga ay nu’ng pagpasok pa lamang ng ber months o pagpasok ng Setyembre ay simula na ang mahabang selebrasyon ng Pasko. Ngayong Disyembre ay ramdam na ramdam natin na malapit na talaga ang Pasko dahil nandyan ang mga Christmas Tradition nating mga Pinoy.
Hindi mawawala ang mga dekorasyon na nakasabit sa ating mga bahay, mga naggagandahang Parol at mga kumukuti-kutitap na mga iba’t ibang kulay ng Christmas Light. Karamihan din ay nakatayo na ang ating mga Christmas Tree sa ating mga bahay tulad din sa ibang lugar, tulad sa mall na nakatayo na ang mga naglalakihang Christmas Tree. Nandyan din ang mga malalaking Belen na itinatayo sa ibang lugar.
Nandyan din ang mga grupo ng bagets, kabataan, o mga matatanda man, kahit sino pa man na bumubuo at umaawit ng mga pang-caroling sa mga bahay, ang iba ay gamit ang gitara at samahan ng maracas, ang iba naman ay ang pinagtagpi-tagping tansan ng softdrinks at nilagyan ng bakal para makagawa ng ingay o tunog. Ang iba naman ay career na career ang pagkanta na tila ang iba ay bumibirit pa. Astig, ‘di ba? at ang iba naman ay nagbi-beatbox, at ang iba ay kahit simpleng palakpak at boses, at ang iba naman ay kahit wala sa tono ay puwede na rin basta tayo ay magsaya lamang at umawit mula sa puso na ramdam natin na nandoon ang diwa ng Pasko.
Hindi rin mawawala kahit pagpasok ng Setyembre pa lamang ay pinatutugtog na ang mga Christmas songs, mapabago man o luma na, pero aminin natin kahit luma man ‘yun ay napakaganda pa ring pakinggan at nakarerelaks sa ating mga pakiramdam. Nandyan din ang C.O.D. (Christmas On Display) sa Greenhills na parte rin ng ating Christmas Tradition na taun-taon ay may bagong ipinakikitang role play na napakaganda. Sigurado ngayon o kahit noon, ngayon pa lamang ay may mga nakabalot nang mga panregalo at ang iba naman ay bumibili na ng panregalo, dahil ang iba ay nakuha na ang 13 month pay at Christmas bonus.
Karamihan ay naging-parte rin ang Starbuck sa iba, ang pangongolekta ng mga stickers, kung saan kapag bumili ka ng Christmas Season drinks nila at Frappe, makakukuha ka ng stickers, 18 stickers ang kailangang kumpletuhin kapag ito iyong nakumpleto na ay makukuha mo na ang Starbucks Planner. Tulad ngayon ay on-going ang kanilang promo na ganito at ‘pag nakumpleto na ay makukuha mo na ang iyong Starbucks Planner para sa 2016.
Nagsimula na rin ang isa sa mga 5 seasons, ang Advent Season. Malapit na rin ang Simbang Gabi na karamihan sa atin ay goal ang makumpleto ito dahil ayon sa mga matatanda, kapag nakumpleto mo ang Simbang Gabi ay puwede kang mag-wish at magkakatotoo. Totoo man o hindi, ang mahalaga, nandoon ang faith natin at tayo ay nakikinig at isinasapuso ang salita ng ating mahal na Panginoon.
Ang Noche Buena naman na hindi puwedeng mawala na magkakasama lahat ng ating mga pamilya at sabay-sabay kumain. Nakabili ka na ba ng pang-Noche Buena? Tara at bumili na, baka magtaasan ang presyo o tayo ay maubusan. Christmas feels na talaga kaya gawin nating masaya ang ating selebrasyon ng Pasko o birthday ng ating mahal na Panginoon.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo