GAGANAPIN ANG MUCH-AWAITED at star-studded na 27th PMPC Star Awards for Movies sa June 21 (Martes), 7pm sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila (tapat ng NAIA 3), Pasay City.
Mula sa pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC), malugod naming binabati ang lahat ng mga nominado sa iba’t ibang katergorya – sa digital man or mainstream section ng best films for the year 2010 na ngayon nga pararangalan ng nasabing showbiz writers’ club.
Bukod sa exciting line up of nominees for the acting awards like best actor at best actress, may dalawang natatangi at pinakamataas na para-ngal ang igagawad ng PMPC sa Gabi ng Parangal na ipagkakaloob sa dalawang tao sa industriya na truly deserving of these Lifetime Achievement Awards – sina Christopher de Leon at Mother Lily Monteverde.
Si Christopher de Leon ay bilang Ulirang Artista lifetime achievement awardee ngayong 2011. Ang nasabing karangalan ay na-conceptualize noong 1986 ng Nora Aunor Foundation kasama ang PMPC, hanggang sa “naipamana” na ni Ms. Nora Aunor ang pagbibigay-karangalang ito, taun-taon, sa PMPC.
Pagkatapos ng masusing botohan at deliberation, nanguna si Christopher sa PMPC members upang siyang maging Ulirang Artista recipient this year, at dahil ‘yan sa consistent na “qualifications” ng Club: “outstanding, remarkable achievements and contributions in the movie industry, reputation, credibility as an actor, or simply touching the lives of the Filipino people.”
There’s no doubt na sa mga kasabayan ni Boyet, mula pa noong 1970s nang maging protegee siya ng National Artist for Film na si Lino Brocka, at umapir sa unang pelikula niya, ang klasiko nang Tinimbang Ka Ngunit Kulang, hanggang ngayong 2011, buhay na buhay at bongga pa rin ang career ng isang Christopher de Leon, dahil active pa ito sa teleseryes, anumang network.
‘Di na rin mabilang ang best actor awards ni Boyet from almost all award-giving bodies, at dahilan upang i-tag sa kanya ang titulong “Drama King”. He has worked with the best actresses and directors.
Kahanay na si Boyet sa Ulirang Artista Honor Roll: Dolphy, Eddie Garcia, Leopoldo Salcedo, Gil de Leon, Susan Roces, Gloria Romero, Vilma Santos, Joseph Estrada, Mary Walter, Anita Linda, Rosa Rosal, Mona Lisa, etc.
AS FOR MOTHER Lily Monteverde naman, igagawad sa Regal Films matriarch ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera lifetime achievement award.
Ang mataas na karangalang ito ay ipinagkakaloob naman sa mga “people behind the camera” – tulad ng producers, directors, scriptwriters, technical people sa paggawa ng pelikulang lokal.
Pareho rin ang pamantayan ng PMPC sa tropeyong ito ni Mother Lily with that of Boyet – ang mga naiambag o kontribusyon ni Mother sa local movie industry, spanning many decades na ang Regal Films, mula pa noong distributor pa lamang ito ng old English films, hanggang sa mamayagpag sa pelikula noong 1970s, ‘80s, ‘90s, 2000s, at magpahanggang ngayon ay active pa rin ang Regal Entertainment in producing movies.
Sa Regal rin nakilala, sumikat, at minahal ng Pinoys – sa kanilang blockbuster hits – ang mga pangalang Maricel Soriano, Richard Gomez, Snooky Serna, Dina Bonnevie, Aiza Seguerra, Tito Vic and Joey, etc.
Bukod sa box-office hit movies ay marami ring pelikula ang Regal na pinarangalan ng best picture awards sa iba’t ibang local award giving bodies at pinapurihan rin sa international film festivals.
Hindi matatawaran ang pagmamahal ni Mother Lily sa industriyang ito, kung kaya’t unanimous choice siya ng PMPC (napakalayo ng boto ng sumunod sa kanya) upang igawad ang nasabing lifetime achievement award na ito, which she truly deserves.
Produced by Airtime Marketing ni Tess Celestino at directed by Al Quinn, ang TV airing nito (as blocktimer, not station-produced) ay sa June 26, Sunday, 10:30pm sa ABS-CBN.
Congrats, Boyet and Mother Lily!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro