Christopher de Leon, madalas iniisnab si Vilma Santos?!

SUCCESSFUL ANG GINANAP na Alay Lakad sa Batangas City na pinaguna-han ni Governor Vilma Santos na ang layunin ay makalikom ng karag-dagang pondo para sa mahigit dalawang libong scholars ng provincial government.

Naroon si Luis Manzano na nag-donate ng P50,000. Ang guest speaker naman for the said event na si Manny Pacquiao, P200,000 ang ibinigay. Nakiisa rin dito sina Optical Media Board Chairman Ronnie Ricketts at si Laguna Board member Angelica Jones.

May mga nagtatanong kung bakit wala roon si Batangas Board member Christopher de Leon. Nagpasabi ito na hahabol pero hindi nakarating. Ewan lang kung totoo ang usap-usapang madalas ay wala si Boyet sa mga importanteng event sa lalawigan ng Batangas.  Kaya nga raw medyo disappointed sa kanya ang mga Batangueño. Ganyan?

Bukas ang pahina ng co-lumn na ito sa anumang reaksiyon ni Bokal Christopher de Leon. Kailangan din namang marinig ang kanyang panig tungkol dito. Naman!

EVERYBODY’S FAVORITE MOMMY is back!

Mommy Elvie Villasanta or Mommy Elvie as known to all, is happy to say that she has missed taping and all the perks that she gets from being surrounded by production people and under the spotlight.

Her docu-reality series Mommy Elvie @ 18 aired every Saturday night at GMA News TV Channel 11 is now on its season 2. Marami ang naaaliw na panoorin silang dalawa ng anak niyang si Ariel Villasanta sa nakakatuwa at minsan ay may haplos din sa puso sa nasabing docu-reality-comedy series. Ramdam kasi ng viewers ‘yong saya ng relasyon ng mag-ina at ‘yong hindi matatawarang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Wala itong script. Anything goes during the taping ng bawat episode nito. Nabuo ang concept nito three years ago when Mommy Elvie is still 81 nang mabanggit niya that there is still a lot of things that she hasn’t done yet. From there, gumawa siya ng list ng kanyang 18 wishes.

Kasama sa mga nasabing wish niya is to work with the Comedy King Dolphy, makapagsayaw ng boogie, kainin ang mga pagkain which includes her favorite lechon, magkaroon ng sarili niyang TV show at ice cream commercial, makagawa ng pelikula, makapagsagawa ng one day food for everyone charity event, and meeting President Noynoy Aquino.

Naiyak nga si Mommy Elvie dahil ilan sa mga wish niyang ito ang natupad na. At laking pasasalamat daw niya sa viewers na sumuporta sa kanyang programa na ngayon nga ay nasa season 2 na.

“Hinihintay ko namang matupad ‘yong wish ko na makatrabaho si Dolphy. Sana okey lang sa kanya. Magka-edad naman kami. At saka wala namang kissing scene!” natawa pa niyang biro.

“Na kahit sa isang eksena lang, makasama ko siya. Kasi idol ko po talaga siya, e. At ‘yon talaga ang dream ko.

“Nagkakilala na kami. At hindi naman siguro siya (Dolphy) ulyanin para hindi niya ako matandaan,” biro ulit niya. “Gusto kong ma-share ang talent ko kasama ang batikang  komed-yante na si Dolphy.”

Idinadasal din ni Mommy Elvie na matupad pa rin ang wish niya to meet President Noynoy Aquino. Sumulat raw sila tungkol dito pero walang naging sagot si P-Noy.

Tuloy ang nangyari, kinuha na lang si Willie Nepumuceno para mag-impersonate kay P-Noy. Na paggising ni Mommy Elvie, parang kaharap na rin niya ang kasaluku-yang pangulo ng bansa.

“Umaasa pa rin ako na mami-meet ko siya nang personal,” ani Mommy Elvie.

“Kasi noon, nakaharap ko na si Presidente Emilo Aguinaldo, si President Manuel Quezon, si Vice President Sergio Osmeña na na-ging Presidente rin, si Presidente Ramon Magsaysay. Kaya gusto ko rin sanang ma-meet si President Noynoy. Hindi ako kuntento kay Willie Nepumuceno na nag-ala Noynoy,” natawang sabi pa niya. ‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleEugene Domingo, binabarat-barat lang sa projects?!
Next articleKris Aquino, ‘binayaran’ si James Yap ng P48-M?!

No posts to display