ISANG HANDS-ON MOM si Chynna Ortaleza sa anak nila ni Kean Cipriano na si Stellar. Kahit may yaya ang bata, sila mismo ng mister niya ang nagaalaga.
One nice thing na nangyayari sa kanilang pagbuo ng pamilya at pagpapalaki kay Stellar ay nakikisama ang pagkakataon sa kanila ni Kean. Kapag may work ang isa sa kanila, natataon naman na ang isa ay libre at home-based lang.
“Like sa case ko, ang haba ng taping namin sa Mulawin vs. Ravena at ang layo ng location, kampante ako at hindi natatakot na wala ako sa tabi ni Stellar dahil andun si Kean.
“And in case na magkasabay naman kami ng work at pareho na may commitment, andyan naman ang mga lola ni Stellar who will take care of her.” nakangiting pagtatapos ni Chynna.
Reyted K
By RK VillaCorta