NU’NG 1982, KASAMA ko ang ilang Filipino inventors na bumiyahe sa Genoa, Italy. Galing kami sa Nice, France para sa one week international inventors conference and exhibits. Minabuti naming magliwaliw muna sa ibang bansa ng Europe bago tumulak pabalik. Isang rented car ang sinakyan namin. Unang biyahe ko sa Europe at gano’n na lang ang aking excitement. Dahil kinatawan kami ng bansa, libre ang ng lahat pamasahe, hotels at iba pang gastos. ‘Pag sinusuwerte ka talaga.
Sa Genoa, sinalubong kami ni Tessie, isang dating kapit-bahay sa Makati na may kabiyak na Italyano. Nagmamay-ari ng malaking restaurant sa siyudad. Halos magdamag na kumustahan, tsismisan, kainan at pasyal sa siyudad. Sa isang outskirt restaurant, nakilala namin si Bambina, isang 27-anyos na Cebuana. Matangkad, balingkinitan, morena at mahaba ang buhok. May nunal sa kaliwang pisngi at makipot ang labi.
Si Bambina ay isang single parent, may isang taong gulang na anak na lalaking naiwan sa Cebu. TNT siya kaya tuwing ikatlong buwan ay palipat-lipat ng pinagtatrabahuhan. Siya yata ang unang overseas Filipino worker (OFW) na nakilala ko.
May kakaibang kalungkutan ang mga mata ni Bambina. Tila laging may nakatalukbong na ilang luha habang nakatingin sa malayo.
May kakaiba akong naramdaman sa aking kalamnan sa loob ng dalawang oras naming pag-uusap. Maaring kapaguran lang ito, o isa ring matagal na naidlip na kalungkutan sa buhay. Hanggang ngayon, ‘di ko pa ito maisip o maipaliwanag.
Ciao, ciao Bambina.
Bigkas ko habang kumakaway sa kanya sa aming pag-alis. Magbubukang-liwayway. Bakit ko ngayon biglang naalala si Bambina?
Kamakailan, tumangap ako ng malungkot na balita. Sumakabilang-buhay si Bambina matapos ang limang taon pakikibaka sa breast cancer.
Naalaala ko ang malungkot niyang mata. Ano kaya ang naging kapalaran ng kanyang anak? Tila may napilas sa aking buhay. Ciao, ciao Bambina.
SAMUT-SAMOT
KALUGOD-LUGOD ANG PAGTANGGAP kay Bishop Antonio Luis Tagle bilang bagong Archbishop of Manila. Sa panahong ito kailangan ng samahang Katoliko ang bata, dynamic at progressive leader sa harap ng masalimuot na hamon sa simbahan. Nasa katauhan ni Tagle ang mga ito.
Unang-una, dapat tutukan ni Tagle pagbabalik ng apoy ng pananampalataya sa kanyang nasasakupang diocese. Kalungkut-lungkot ang tamang obserbasyon na maraming Katoliko ay sa pangalan lamang. Dapat pag-ibayuhin ang pagtulong sa mahihirap. Ilan lamang ang mga ito, subalit sa kanila nakasalalay ang tunay na pagbibigay-buhay sa wika ni Jesus: faith and action.
Kamakailan, may dalawang Mormon (Church of the Later Day Saints) preachers ang kumatok sa bahay. Hinarap ko sila at ipinaliwanag na ako’y Katoliko. Sa magalang na pangangatuwiran, humingi sila ng 10 minuto para ipaliwanag ang kanilang relihiyon.
May apoy at enthusiasm ang kanilang pagpapaliwanag. Binanggit ko ito sapagkat dahil sa nakararami tayo, wala nang buhay ang ating pagpapakita ng ating pananampalataya. Kuntento na lang tayo sa pagsimba tuwing Linggo. Marami ang walang involvement sa spiritual at community actions ng Simbahan. Wala tayong pakialam sa mga mahihirapan at naaapi sa paligid. Matibay ang ating pagtitiwala kay Tagle.
NAPAPABALITA NA KANSELADO muna ang peace talks sa mga NPA sa gitna ng walang puknat na pag-atake ng mga rebelde sa military camps. Tama si dating pangulong Erap. Walang mangyayari sa year-in and year-out peace talks sa mga rebelde. Kung ipagpapatuloy ang mga ito, dapat ay may deadline. At bakit tayo nakikipag-usap kina Joma Sison at Fr. Jalondoni sa Netherlands? Totoo pa bang kontrolado nila mga rebelde sa bansa?
ILANG MGA SIPSIP na mambabatas ang sumang-ayon sa pag-a-apoint kay Kris Aquino bilang Ambassador of Goodwill sa U.N. Wala na bang matino silang magawa? O gusto lang mataasan ang kanilang pork barrel? Ang balita ay isang sick joke sa inis at yamot nang mga Pilipino.
WALA PA RING katiyakan ang pagtakbo ni Erap bilang alkalde ng Maynila. ‘Magdedesisyon ako ‘pag labas ng dalawang surveys,’ ayon sa kanya. Subalit totoo ang balita na nagpapagawa siya ng bahay sa Tondo. Si Erap ay ipinanganak sa Mary Johnston Hospital sa Tondo at may mga paupahang apartments sa Sta. Mesa. Nu’ng namigay siya ng relief goods sa typhoon victims sa BASECO, ‘di magkamayaw ang init ng pagsalubong sa kanya. Talagang malakas at ma-tindi pa rin ang hatak sa masa.
Nakikiramay tayo sa mga naulila ni daring Assemblyman Winston Gamboa. Matagal kong nakasama ang yumao pagkatapos ng EDSA Revolution sa political camp ni Cory-Doy. CPA-Lawyer, may matatag na paninindigan at maka-mahirap, si Wilson ay isa ring tapat at masayang kaibigan. Godspeed Wilson!
Quote of the Week
Live long!
When the casket was being carried out of the house, it hit the door and the husband came back to life!
Some years later the husband died again, and this time, the widow asked the pallbearers, as they were bringing the casket out, “ Slowly please, don’t bump the door again!”
A moment with the Lord
Lord, help me to live in such way that when people think of me , they want me to live long. Amen.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez