HANGGANG SA HULING linggo ay pressured si Ciara Sotto para sa kasal niyang magaganap sa Manila Polo Club this coming Sunday, kay Joe Donner. Inamin ni Ciara sa amin na may mga detalye na kung gugustuhin niya ay hands on niyang mapagdedesisyunan, pero nagahol na rin sa panahon. Matagal na rin naman silang naghahanda ng husband niya sa kasalang ito, pero may last minute hassles din kasing sumusulpot na kailangang harapin.
Namayat nga si Ciara at namataan namin siya sa premiere night noong last Sunday sa Gateway Mall Cubao para sa SpEd Hearts, pelikulang pinagbibidahan niya kasama ang pinsang si Danica Sotto. All out support ang ibinigay kay Ciara ng mga kaibigan at kamag-anakan. Naroroon ang ilang kapatid niya kasama pa ang mga magulang na sina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa. Si Dina Bonnevie ay naroroon din.
Naroroon ang husband-to-be niyang si Joe. Naibiro nga niya rito na sa nalalabing ilang araw, huwag na muna raw silang magkita, for a change, nang sa ganoon ay mas tumindi pa ang excitement. Pero, mukhang inseparable ang dalawa.
Pero, hindi nga raw kailangan dahil dapat ay sabay silang nagdedesisyon sa iba pang detalyeng kailangang maplantsa bago pa ang actual wedding sa Linggo.
Lagi nga raw emotional ang ina niyang si Tita Helen. Palagay ni Ciara, hindi mahihinto ang nanay niya sa manaka-nakang pag-iyak. Sa Eat… Bulaga! nga ay nagbigay pa ng mensahe si Tita Helen na ikinaiyak ng maraming tao.
“Nasabi ko nga, alam ko kung gaano kasakit kay Mama ‘yun. But, you know, talagang ganoon, e. Ang magiging kaibahan lang, sa ibang bahay na ako titira.
But, our relationship as mom and daughter will never change,” sabi pa ni Ciara.
Ang chapter na papasukin ni Ciara sa buhay niya ay ang maghahantad sa kanya sa katotohanan ng pagiging ina kung sakali at pagkakaroon ng asawa. Kung ano ang ipinamumulat ng ina niya noon, this time, siya na mismo ang makararanas niyon.
Wala pa raw honeymoon. Para kay Ciara, dapat unahin ‘yung pagse-save dahil nagpapagawa raw sila ng condo, na eventually, magiging official lovenest nila ng kanyang husband.
TUMATAHIMIK NA LANG si Lovi Poe sa kung anu-anong negatibong akusasyon sa kanya, na kesyo malandi siya, two-timer, material girl at kung anu-ano. Para kay Lovi, alam niya ang totoo sa sarili niya at kung magsasalita lang siya para ikababagsak o ikasasakit ng iba, she’d rather keep things to herself, at ipagpasa-Diyos na lang ang mga naninira sa kanya.
Mayroon namang tinatawag na karma, ‘di ba? Pero, simpleng dalaga lang si Lovi. Ini-enjoy lang niya ang showbiz. Sa akusasyong materyosa siya, walang pruweba ang mga nagsasabi nito na nanghuhuthot siya ng regalo o pera sa mga manliligaw o nagkakagusto sa kanya.
Hindi raw siya pinalaking ganoon ng ina niya. Kaya raw niyang magtrabaho para makuha kung ano ang gusto niya, at sa nakaraang panahon nga, simple lang ang naging buhay niya na kakayanin pa rin niyang manatiling ganoon, at hindi na kailangang magpaka-materialistic.
Para tuloy deliberate move daw ito for her to be more controversial, lalo’t malapit nang ipalabas this January ang Sagrada Familia, Rated A pa ng Cinema Evaluation Board, kasabay ng magagandang reviews dito. Kumbaga, primera klase ang launching movie ni Lovi at dito na lang, puwede na niyang ipagmalaki ang kanyang pag-aartista.
Calm Ever
Archie de Calma