“This is really something big for me. Hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng chance na makakatrabaho ang best actor ng Pilipinas,” bulalas ni Cindy sa kanyang solo digital presscon ng suspense-thriller movie.
“This is my most intense movie and of course kasama ko rito si John Arcilla. Nabigyan ako ng chance na makasama ko sa isang film ang isang John Arcilla.
Kinikilig ding ibinahagi ng dalaga na unang araw pa lang daw ng kanilang syuting para sa pelikula ay nagpa-picture agad siya kay John. Matagal na rin daw niyang pina-follow ang award-winning actor sa social media at palaging hina-heart ang mga post nito.
Ano ba ang mga natutunan niya sa rare opportunity na makatrabaho si John?
Lahad niya, “Si Sir John Arcilla po pareho kami sa set, seryoso, naka-isolate before the scene.
“Nakita ko na pareho pala kami ni John Arcilla kasi nasasabihan ako na very serious ako sa set kasi I don’t really talk sa set. Hindi ako nakikipag kuwentuhan kasi in character na po ako at ayaw kong ma-distract.
“I saw myself kay John Arcilla, very seryoso siyang aktor talagang naka-isolate, prepared siya reading his script and he really wants to know what gonna happen.”