NAILUNSAD ang Cine Lokal ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pakikipagtulungan ng SM Cinemas last April 19 sa kabila ng nakaaawang trapik sa buong Metro Manila.
Sa naturang ganap, in full force ang Malacañang sa suporta nila sa project na ito na pinamumunuan ni FDCP Chairperson Liza Diño at ng masisipag niyang mga staff.
With Cine Lokal, ilalaan ng SM Cinema ang walo (8) nilang sinehan nationwide para mayroong venue ang indie films na mga award-winning at mga obra na independently-curated ng FDCP.
Kaliwa’t kanan ang mga programa for summer ng FDCP para sa mga mahiligin sa mga pelikula.
Sa katunayan, para sa buwan ng April, may film showing ang FDCP for their “Salve Pelikula” na magtatampok ng mga obra na may tema on faith, religion, and humanity’s take.
“Salve Pelikula” started showing acclaimed films like “Spotlight”, “Himala”, “Iadya Mo Kami”, at “Of Sinners and Saints” starting last Friday April 21.
Maraming programa ang FDCP sa mga darating na mga buwan tulad ng Linggo ng Pelikulang Pilipino na all cinemas will show Filipino films.
Ayon kay FDCP Chair Liza, “Excited kami sa new project ng FDCP. This is amazing for our industry. Para sa Bayan, literal! Kakatuwa rin kasi ang suporta ng mga taga-industry. Kung walang suporta kasi, I won’t get to do this much if wala namang tumutulong.
“It’s about time. In our own little way, lalong ma-energize ang industry,” mensahe niya sa amin. Mabuhay ka, Liza!