Cinema One’s “Ishmael” Under Scrutiny: Up for International Awards

AH, ALAM N’YO bilang alagad ng sining, para sa akin malawak ang sining. We need to open its windows to see and hear for our readers to know the truth. Who will give value? Maybe it’s you, me, us because every living artist should describe their aspects and create concepts dahil ito ay isang mabuting biyaya sa atin ng Maylikha at sana maging instrumento tayo nito. Sa aking paniniwala, kaya natin ito ginagawa, marahil ito ang misyon natin sa buhay. ‘Pag nagawa natin itong walang corruption sa puso, magiging malawak ang arte at isusunod nito ang malaking business sa iba’t ibang fields.

Whoah! Sixth year na ng Cinema One Originals. Kamakailan, personal tayong muling inimbitahan ng ating kaibigang si Kathy Solis at s’yempre ni Ronald Arguelles na Programming/ Channel Head/ Executive Producer of Cinema One Originals movies. Halos lahat ng pelikula ay magaganda, kaya lamang siyempre, may mga kilalang jury kaya may iba’t ibang opinion at pagtingin sa kanilang panonood.

Ang “Ishmael” ay tungkol sa isang bilanggo na ginampanan ng batikang aktor na si Ronnie Lazaro. Si Ronnie sa tunay na buhay ay isang Ilonggo at nagkataong kaibigan namin parehas si Noni Alvarado na isang kilalang social-realist painter. Sa pelikula, makikita ang husay ni Ronnie sa pagganap bilang  isang bagong layang bilanggo. Doon umiikot ang kuwento. Sa lugar na kanyang kinalalagyan, may nabuong kulto na gawa-gawa ng isang abortionist na ginampanan naman ng batikang aktor na si Mark Gil. Sa huli, sinalvage si ‘Ishmael’ ng mga miyembro ng kulto dahil sa paniniwalang itinatago niya ang babaeng (Ria Garcia) nais pakasalan ng cult leader (Mark Gil). Inakala ng kulto na napatay nila si Ishmael dahil binaril nila ito sa ulo. Ngunit, ang hindi nila alam, nagkamali sa pagbaril ang bodyguard ng cult leader. Muli itong nabuhay dahil ang tinamaan pala’y ang ulo nitong may bakal dahil dati itong sundalong nasabugan ng bomba’t naiwan sa ulo ang shrapnel. Kaya’t naghiganti ito at doon na nagsimula ang madugong tagaan.

Nang makausap ko si Direktor Richard Somes, sinabi kong inspired ito ng foreign films na First Blood (Sylvester Stallone) at Machete (Mexican ex-convict tunay na buhay, film starring Danny Trejo). Hindi rin nawala ang fighting scenes na Korean-touch. Inamin naman ito ni Direk Somes at natatawa pa sa akin. Pero hindi maaaring mawala ang originality ng konsepto nito’t halatang paunlad sa makabagong paggawa ng kuwento at action scenes. Bagama’t pangalawa lang ito sa nakakuha ng maraming awards, marahil maisaayos pa nang kaunti ang cinematography para sa kabuuang showcase nito sa ibang bansa.

Direk Somes, ano ang nag-anyaya para gumawa ka ng ganitong cast at pelikula? “Ah, gumawa na rin kasi ako last two years ago sa kanila. Kampante kasi ako sa kanila, kahit maliit lang ang budget, alam ko ‘yung independent freedom na ibinibigay nila. Matino kasi at saka they want to have fun.”

Baka humakot kayo ng maraming awards, ‘di man dito eh, sa ibang bansa. At saka mga bihasa sila. Sabi ko naman kay Mark Gil, basta tira nang tira, marami pa siyang gagawin, ingatan lang ang katawan at may magagawa pa siya sa industriya. “You know after you talk to me, I really change. You scare me. You’re scary. You’re Ama, you’re some psychic, ESP man, hindi ESPN ha?” pagbibida ni Mark Gil habang ‘andu’n din siya’t magkakaharap kami nina Direk Somes at Ronnie Lazaro. Ha-ha-ha! Kasi, ‘pag nag-i-interview ako, para lang kaming nagkukuwentuhan.

Ah, Direk Somes, anong nagbunsod sa ‘yo para gumawa ng indie? Namatay na ba ang movie? “Feeling ko hindi ko naman nakikita the death of the movie while may rebolusyon na ganito. Tingin ko lang kasi may hunger sa film especially iyong mga young blood may pagkakataon na sa digital filmmaking na panahon na para ma-explore.”

“Maestro, I have to go, but you may join us sa Mogwai (bar),” nag-alok si Mark.

Ha-ha-ha! Sige, marami pa akong gagawin. Marahil bahagi ng kanyang pasasalamat sa akin.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments, suggestions, sponsors: call tel. no. (02) 3829838; e-mail: [email protected], [email protected], visit www.pinoyparazzi.net

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous article…And the award goes to…
Next articleSINO NAMAN DAW itong sikat na host na nasobrahan yata sa kaelyahan?

No posts to display