SA TOTOO LANG, sa layo ng Cultural Center of the Philippines (CCP) or Ayala Malls sa Makati ay napalampas ko ang pelikula ng Megastar Sharon Cuneta na “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha” sa nakaraang Cinemalaya 2017.
Lintik din kasi ang trapik na from Quezon City, maiipit ka kapag bumiyahe ka ng CCP or Makati or even sa malapit na Trinoma basta tatawid ka na ng EDSA.
Pero sa Wednesday, happy kami dahil may commercial showing ang pelikula ng aktres na after sometime ay muling umarte sa harap ng kamera (not included ang mga shows ng Kapamilya Network kung saan kabilang siya sa mga judges ng The Voice Philippines).
Ang tagal na rin kasi the last time na nakausap namin si Sharon.
Kung hindi ako nagkakamali, it was more than a decade or baka higit pa.
Interesado ako sa pagbabalik pelikula niya na for the the first time ay gumawa siya ng film project na isang ïndie” na in-short, less budget na kumbaga, “for the love of art” na kadalasan ay barya-barya lang ang budget sa mga big stars like her na dahil sa istorya ay napapayag ang mga artista tulad ng liga ni Shawie para gawin ang mga ganitong proyekto.
Sa mga mumunting press releases ng pelikula ng Megastar during CineMalaya recently, nakikita ko sa mga social media posting ang mga pictures niya with Nino Muhlach, Richard Quan at itong si Moi (something) na personal assistant ni Piolo Pascual na artista din sa pelikula.
Nang mapabalita na showing muli ang pelikula na ire-release ng Star Cinema, ang mga pinsan ko na mga taga-Bacolod City na mga solid Sharonian ay excited sa pagpapalabas muli ng “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha”.
Sa tutoo lang, with Star Cinema’s Network worldwide, for sure ay happy at excited ang mga Sharonians sa buong mundo na mapanood ang pelikula ng kanilang idol (correct ako kapatid na Bayani San Diego, di ba?)
I admit, Sharonian ako. Noong panahon nila noong 80’s nina Maricel Soriano at Snooky Serna, mas pabor ako sa aktres.
In short, fan mode na naman ako. Ha… ha… ha…
Reyted K
By RK Villacorta