SA NAKARAANG awards night ng Cine-malaya Philippine Independent Film Festival 2012 noong July 29 sa CCP Main Theater, kinabog as in tinalo ni Kristoffer King ang iba pang more popular actors to win as Best Actor sa new breed category.
Nag-win nga si Kristoffer para sa kanyang role na nagpapatakbo ng sakla sa lamayan upang mabuhay na kuya ng another Kristoffer, si Kristoffer Martin (ng GMA-7), sa pelikulang Oros.
Tinalo ni Kristoffer sa coveted award ang mga tulad nina Coco Martin for Sta. Niña, JM de Guzman for Intoy Syokoy ng Kalye Marino, Dennis Trillo for Ang Katiwala, and Dominic Roco for Ang Nawawala na pawang mga mahuhusay rin.
Sa kasagsagan nga ng Cinemalaya indie filmfest, matunog ang names ng mga ito, pero “Luz Valdez” ang lahat sa ipinamalas na natural acting ni Kristoffer.
Take note na kabilang sa mga hurado ang award-winning scriptwriter na si Ricky Lee, ang National Artist for Literature na si Dr. Bienvenido Lumbera, Gawad Urian President, at dalawang foreigners.
Pinatunayan ni Kristoffer na kaya niyang makipagsabayan sa ibang actor, given the right breaks.
Kaso nga lang, hindi nakasipot sa awards night si Kris, dahil isinugod umano ang kanyang anak sa ospital noong gabing ‘yun, tinext na lang nito ang staff ng Oros, pero tinext niya ito after na pumanhik na si Direk Paul Sta. Ana to get his best actor trophy in his behalf.
Super sayang dahil na-miss ni Kris ang kanyang “moment to shine” sa kanyang best actor victory, at sa Cinemalaya pa, huh, habang nandoon sa ceremonies ang mga kalaban niyang sina JM, Dominic, and Dennis.
It must have been a sweet victory speech for Kristoffer na isang underrated actor. Sa kanyang text naman kay Direk Paul after he won, abut-abot ang pasasalamat nito sa karangalan at sa panibagong pagkakataong maipakita ang kanyang talento.
Aniya, ang tropeo niya ay magsisilbing inspirasyon upang pagbutihan pa niya sa kanyang craft bilang actor. Sana lang, mas marami pang film and TV producers ang kumuha sa kanyang serbisyo, at maging “matino” rin siya sa kanyang trabaho.
“Maraming salamat po at handog ko sa inyo ang tagumpay ko sa tiwalang ibinigay niyo sa akin,” part ng text ni Kristoffer kay Direk Paul, na siyang tuwang-tuwa rin dahil ayon sa direktor, kung meron man siyang nais mapanalunan for his film Oros, ‘yun ay walang iba kundi ang Best Actor award dahil malaki raw ang kanyang tiwala sa kanyang lead actor.
Congratulations sa sinasabing “dark horse” best actor winner ng Cinemalaya (new breed category)!
WALANG SELEBRASYON si Dingdong Dantes for his 32nd birthday tomorrow, August 2, hindi tulad ng mga nakaraang taon.
Kung tutuusin, Dingdong has every reason to celebrate kahit na saang TV show sa mother studio niyang Kapuso Network, lalo na sa Party Pilipinas, pero mas pinili nitong makapiling ang kanyang pamilya on his birthday week.
Ngayong araw na ito, August 1, ang alis ni Dong patungong Amerika, with girlfriend Marian Rivera, and his whole family to celebrate his birthday. This Sunday rin ang balik nila sa Manila.
Kahit nga ilang beses siyang tinanong ng manager niyang si Perry Lansigan ay negative ang sagot ni Dong to celebrate his birthday on television. Dati-rati nga’y may birthday special show pa ang Kapuso for him, minsan ay sinasabay pa sa birthday presentation ni Marian na August 12 naman ang kaarawan.
Ngayong Oktubre ay may nakatakdang ipalabas na movie si Dong, ang Tiktik: The Aswang Chronicles mula sa Reality Entertainment at co-produced ng sarili niyang film outfit, ang Agostodos Pictures, directed by Erik Matti.
Bonggacious ang movie dahil computer-generated ito at pinaghandaang mabuti ang special effects para sa nasabing action-horror-comedy flick kung saan kasama rin sina Lovi Poe, Janice de Belen, Roi Vinzon, and Joey Marquez.
Happy birthday, Dingdong!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro