Katatapos lang tanghalin ang mga nanalo sa Cinemalaya Cinco International Film Festival na ginanap sa Cultural Center of the Philippines. Masasabing naging matagumpay ang sampung araw na pagdiriwang na ito dahil umabot sa higit kumulang 38,000 na manonood ang dumagsa para matunghayan ang ilan sa magagandang indie films para sa taong ito. Sina Ricky Davao at Eugene Domingo ang hosts ng programa.
Ang pelikulang Astig at Dinig Sana Kita ang umani ng maraming parangal. Ang Last Supper No. 3 ang nanalong Best Film. Ang beteranong aktor na si Lou Veloso ang itinanghal na Best Actor dahil sa natatanging pagganap nito bilang isang ex-convict sa Colorum at si Ina Feleo naman ang kinilalang Best Actress para sa pelikulang Sanglaan. Ito na ang ikalawang beses ng aktres na manalo bilang Best Actress sa Cinemalaya. Si Arnold Reyes ng Astig ang kinilalang Best Supporting Actor at si Tessie Tomas naman ang Best Supporting Actress para sa Sanglaan.