Cinemanila International Film Fest, Dinumog!

DINUMOG NG MGA bituin at film enthusiast ang pagbubukas ng 13th Cinemanila International Film Festival noong November 11 sa Market! Market! Cinemas sa Bonifacio Global City, Taguig. Mahigit 50 international at local movies ang ipalalabas sa loob ng pitong araw mula nang magsimula ito hanggang November 17. Sari-saring putahe ng mga indie films na nakakuha ng karangalan at pagkilala sa mga prestihiyosong festival sa labas ng bansa tulad ng Cannes, Berlin, Rotterdam, Sundance at Pusan ang maaaring pagpipilian ng mga manonood.  Naimbitahan din ang Superstar na si Nora Aunor sa nasabing event bilang guest of honor kaya bongga! Hinandugan naman ni Cinemanila founding director Tikoy Aguiluz at Taguig Mayor Lani Cayetano ng bulol (Ifugao rice god) trophy ang nag-iisang Superstar as one of the recipient of the Lifetime Achievement Award kasama ang Italian film director na si Dario Argento. Bukod sa pagpapalabas ng mga pelikula, tampok din ang iba’t ibang workshop, seminar at master class. Samantala, narito naman ang mga napitikan naming eksena. Klik!

Photos by Mona Patubo

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleSolenn Heussaff, ‘di uurungan si John Loyd Cruz sa inuman!
Next articleSi DOJ Secretary daldalima at ang magkakaibang parusa

No posts to display