Kung umasta si CJ Caparas, anak ng mag-asawang Carlo J at Donna Villa, wala ni katiting sa kanyang mga ikinikikilos would manifest that he’s the scion of a respected, well-loved showbiz couple.
Very unassuming at low profile kasi si CJ Caparas, tanda ng mahusay na pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang.
CJ was last seen in last year’s remake of the classic film “Angela Markado”, na si Direk Carlo ang may-akda at siya ring nagdirek. Papel na rapist ang ginampanan ni CJ.
On TV, CJ gets his proverbial baptism of fire sa isa pa ring obra ng kanyang ama, “Ang Panday”, which premieres next Monday on TV5.
Aminado si CJ na kailangan pa niyang magbawas ng timbang given his physically demanding role in the TV version, kung saan Richard Gutierrez gets to portray the mythical blacksmith character.
Tulad ni CJ na narahuyo rin sa showbiz, ang kanyang kapatid na si Peachy ay sa larangan naman ng pagdidirek nalilinya.
DON’T JUDGE lest you be judged.
A fundamental passage, ito ang nais itawid ng teledramang “Bakit Manipis ang Ulap?” And how timely in the wake ng mga nagsulputang modern-day Pharisees in our midst who find it easier to judge other people than reexamine themselves.
Now on its second week on TV5’s primetime block, ito ang aral na napagtanto ni George (Diether Ocampo), a heart-broken bachelor na nililibang ang sarili sa mga makabuluhang bagay that will make him gain his sanity back. Sa unang sultada pa lang ng BMAU, nakilala niya si Alex (Meg Imperial) nang iligtas niya ito sa tiyak na pagkalunod after falling off a speeding jet ski.
At ang inaasahan nang kuwento ng pag-ibig ay doon magsisimula.
Pero malakas ang emotional restraint ni George that he keeps his sense of balance, kesehodang pinupuntirya siya ng maharot at mala-haliparot na kangkarot na si Alex. Having done research himself, isa palang rich, spoiled si Alex… but a certified virgin!
May katwiran nga si Alex sa pagsasabi kay George na, “Huwag mo akong husgahan dahil hindi mo pa ‘ko kilala nang lubusan.” So, ang “virgin truth” ding ‘yon that thwarted their “burning the midnight butter” in an abandoned camp site atop the mountains ang bumura sa mapanghusgang pagkatao ni George.
Mga pangalang George at Alex, these are masculine names na kung maririnig siguro ni Manny Pacquiao ay aakalain niyang dalawang lalaking magdyowa na naglilimayon sa kabundukan like grazing beasts.
NARITO ANG talaan ng mga tatanggap ng parangal mula sa 14th Gawad Tanglaw this March sa print media. Isa ang kaibigang si Ricky Gallardo ng Business Mirror (na ie-elevate na sa Hall of Fame) sa mga awardees bilang Best Entertainment Columnist-English.
Sa parehong kategorya sa wikang Filipino, nais naming i-congratulate si Tita Ethel Ramos ng People’s Journal, Alwyn Ignacio ng Abante Tonite, at Cristy S. Fermin ng Bandera, Bulgar at Pilipino Star Ngayon. Cristy will also be elevated to the Hall of Fame.
Ang Natatanging Gawad Tanglaw Sa Sining ng Panulat ay ipagkakaloob kay Gilda Olvidado. Ang Gawad Tanglaw ay binubuo ng mga indibidwal mula sa akademya which also gives out awards to radio, TV, and film entities and personalities.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III