NAKU NAMAN, saan ka nakakita ng isang baguhang hindi man lang sumailalim sa acting workshop para sa pelikula, pero marunong palang umarte at pasado ang acting?
Teka, bibihira ang ganito tulad ng showbiz newbie na si CJ Caparas, anak ng mag-asawang Carlo J. Caparas at Donna Villa. CJ got his baptism of fire in his father’s comeback directorial project, ang “Angela Markado”, where he plays one of the five rapists.
Minus the workshop, nakipagsabayan si CJ sa mga kapwa niya manggagahasa na sina Epi Quizon, Paolo Contis, Felix Roco, at Polo Ravales, thus proving na hindi lang niya nakuha ang mapanghamong papel just because tatay niya ang direktor.
All the more kasi that CJ has to prove his self-worth. Kuwento nga ng mga kapwa niya rapists of Direk Carlo, what they believed were already good takes of the rape scenes ay ipinauulit pa nito. In a sense, all five actors went through the ordeal pagkatapos ng pagpapasarap nilang lugsuhin ang puri ni Andi Eigemann.
Not because he’s the son of Direk Carlo J. and Tita Donna did CJ enjoy preferential treatment. Magdusa rin siya, ‘no! But CJ’s effort paid off, watching him essay his rapist role to the hilt makes him at par with his co-actors.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III