Classic film Insiang na bida si Hilda Koronel, libreng mapanonood sa SM MOA cinema sa pagbubukas ng WPFF sa June 24

Hilda-KoronelANG KLASIKONG pelikula ng National Artist for Film na si Lino Brocka, ang “Insiang”, sa restored version nito, ay magkakaroon ng Philippine Premiere sa SM Mall of Asia cinema sa June 24, Miyerkules, 1:30 PM, bilang opening film ng World Premieres Film Festival – Philippines (WPFF) 2015.

Unang nag-premiere ang “Insiang” sa prestihiyosong Cannes International Film Festival sa France noong araw at umani ito ng papuri sa international film critics.

Ang bidang si Hilda Koronel ay na-feature pa ang mahusay na aktres sa “Le Monde” magazine.

Hindi biro ang pagre-restore ng nasabing Brocka classic film at ang daming pinagdaanan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa prosesong ito, hanggang sa nagkapirmahan na sila with Ruby Tiong Tan na producer ng pelikula.

Open ito sa publiko, as in free admission, pero on a first come-first serve basis. Reception starts at 1:30 PM, may maikling program ng 2:00 PM, at susundan ng screening at 2:30 PM.

Hindi pa kami sure if makararating sa premiere si Hilda, na kasalukuyang nasa Amerika.

Ang “Insiang” ang naging landmark film ng isang Hilda Koronel, unforgettable ang dramatic highlights ng movie, kunsaan kasama niya ang mga de-kalibreng actor na si Mona Lisa (na 90 plus years old na now) at Ruel Vernal.

Ang WPFF ay gaganapin mula June 24 – July 7, 2015, in partnership with SM Cinemas and the Philippine Daily Inquirer.

For more information please visit: www.wpff.ph

8 Pinoy films, maglalaban-laban sa Filipino New Cinema section ng WPFF

 

NGAYONG TAON din ang launching ng Filipino New Cinema, isang bagong section naman ng World Premieres Film Festival – Philippines ng FDCP, now on its second year.

Noong ilunsad kasi last year (2014) ang WPFF ay wala pang Pinoy films in a separate competition, kundi puro mga banyagang pelikula ang kalahok sa Main Competition, bagamat kasali rin ang “Mula Sa Kung Ano Ang Noon” ni Lav Diaz, the only Pinoy film competing with foreign films.

This year (2015), dahil “host country” nga ang Pilipinas, naisip ni FDCP Chairman Briccio Santos ang Filipino New Cinema – kung saan walong pelikulang Pinoy ang maglalaban-laban naman.

Ang mga ito ay:

An Kubo Sa Kawayanan, directed by Alvin Yapan, starring Mercedes Cabral at RK Bagatsing

Ang Kwento Nating Dalawa, directed by Nestor Abrogena, starring Nicco Manalo and Emmanuelle Valera

Filemon Mamon, directed by Will Fredo, starring Jerome Ignacio, Nanette Inventor, Smokey Manaloto, Miles Ocampo, Rayver Cruz

I Love You. Thank You, directed by Charliebebs Gohetia, starring Joross Gamboa, Prince Estefan, at ang Thai actor na si Ae Pattawan

Maskara, directed by Genesis Nolasco, starring Ina Feleo, Ping Medina, and Lance Raymundo

Of Sinners And Saints, directed by Ruben Maria Soriquez, starring Raymond Bagatsing, Polo Ravales, Chanel Latorre, Richard Quan, and si Soriquez din bilang lead actor-producer.

Piring (Blindfold), directed by Carlos Morales (first directorial job), starring Yuseff Estevez, Krista Miller, Tessie Tomas, and Bembol Roco

Sino Nga Ba Si Pangkoy Ong, directed by Jonah Lim, starring Kiko Matos, Paulo de Vera, Elston Jimenez.

Ang walong Pinoy films na ito ay may premiere nights sa June 25-27 sa SM North Edsa The Block, free admission din, i-check lamang ang schedule sa Facebook Fan Page na “Filipino New Cinema”.

Ang regular screening schedule naman ay mula June 29 to July 7, nasa nasabi ring fan page ang sked, at ipalalabas naman sa select SM Cinemas sa Metro Manila.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articleMayabang, baklita, at power tripper na reporter ng Showbiz Konek, nambastos ng showbiz columnist
Next articleSheryl Cruz, ‘di naniniwalang kapatid niya ang pinsang si Sen. Grace Poe

No posts to display