OLA CHIKKA now na! Oh no, oh yes… now na! OMG! Don’t make your Monday a blue Monday.
Maloloka ka talaga sa Earth to the maximum authority of chikka ng mga eksenadorang mag-iina at hindi kinakaya ng powers ko ang Barretto sisters. Unang-una pa lang, ang mga nagkakabangayan ay ang magkapatid na Gretchen Barretto at Claudine Barreto, at talagang maiiisip mo at matatanong mo sa sarili mo na anong klaseng ugali meron sila. Dahil kahit mismo sila ay nagsisiraan.
Ngayon naman, ang mga nagkakagulo ay ang mag-iinang hilig ang showbiz awayan. Kahit magkakapamilya, ‘di man lang nila inisip na sa kanila ang feedback nu’n.
Todo-iwas naman si Raymart Santiago sa panibagong isyung kinasangkutan ng asawa niyang si Claudine at ate nitong si Gretchen. May kinalaman kay Julia Barretto ang pinag-awayan daw ng magkapatid, kaya sangkot din si Marjorie Barretto na kampi siyempre kay Gretchen.
Nagsimula ito sa Twitter nina Gretchen at Marjorie, pero binura naman daw agad. Kaya lang, marami na ang naka-pick-up nito at ikinalat na sa Twitter at Instagram. Hindi namin ito agad pinatulan dahil hindi na bago itong away ng magkakapatid. May ilang nagsasabing baka na-isip lang ito na gimmick para kay Julia at sa nalalapit na pagbabalik ni Claudine sa ABS-CBN 2.
At meron din namang hindi pabor sa mga nangyayari sa kanilang pamilya. “Ano bang klaseng pamilya ‘to? Biniyayaan ng magagandang mukha, mga sikat at mapera, pero sila-sila nagkakagulo. Ultimo nanay nila, parang hindi kayang iresolba ang gulo ng mga anak niya sa mismong tahanan nila. At kailangang maglabasan ng baho sa publiko?
Walang magandang balita sa magkakapatid na ‘to kundi mag-away at magkampihan. Isa laban sa dalawa at ‘yung dating magkakampi eh, kakampi naman ng kaaway nila dati.”
NAIS KO nga pa lang i-congrats ang aking bunsong anak na si Kariz Espeña dahil sa wakas, nakuha na niya ang kanyang Cum Laude Award nu’ng nakaraang April 12,2013 sa office ng CHTM Dept. sa Trinity University of Asia sa pangunguna ni Dra. Gloria Baken Wong-Siy, Mark Aden, Milanel Rivera, Ms. Milet and Ms. Jen.
Nawa’y maging leksyon na ‘to sa lahat lalo na sa registrar’s office ng Trinity para hindi na ma-ulit ang sitwasyong ‘di maibibigay ang award sa mismong araw ng graduation dahil sa pagkairesponsable ng ilang mga tao. Bukod sa pag-graduate nang may cum laude award, nais ko ring i-congrats ang aking anak sa sunud-sunod na events dahil isa siya sa naging parte ng Conex 2013 Philippines event @ SMX (under Dutch Boy Paint and Konstrukt together w/ Sir Harold), Hot Import Nights 2 @ World Trade Center (under Anzahl Urethane Paint together w/ Sir Vince, Sir Claudio, Ola Chikka Prod, Ladder Events Production and her B2B Family) at GPN Event “International Maritime Training Center” (together w/ Sir Kennan Ignacio, Sir Ry Ignacio and Group Titans Photography) na kung saan nagkaroon ng bonggang photoshoot sa mga facilities na animoy nasa loob ka talaga ng tunay na barko.
Sa mga nais makita ang tinaguriang “carshow princess”, nasa May 4, 2013 siya for Marikina carshow. Nais niyang pasalamatan ang Anzahl Paint, Guardian Ethyl Alcohol, WipeOut, Padi’s Point, Indiepa Shirt, Dra. Victoria Felix, Dra. Cherry Uy, Teddykins Aquino, Jovey Reyes, Lady Camille, Ola Chikka Prod, Ladder Events Production at lahat ng mga sumusporta sa kanya.
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding