BLIND ITEM: NANATILI namang nakataas ang kilay namin sa blind item na itsinika sa amin ng isang kakilala. Punum-puno kami ng pagdududa. Although narinig na namin ito noon, pero ang hirap paniwalaan, dahil parang wala naman sa image ng natu-rang personalidad ‘yon, in fairness.
Narinig na naman namin na ito raw si Mr. Personality ay trip na trip na gumagawa ng stag party. Anong klaseng stag party?
“Nako, mama, ‘eto na. Nu’ng isang araw, nakausap ko ang isang involved. Nag-trip na naman ang amo nila. Ang ginawa, pinagtikol niyang lahat ‘yung mga guys around him. Pinanood niya. At ang mga potah, super willing namang mag-masturbate.
“Kasi nga, idinadaan niya sa pera ang mga pobreng dyakulero. Kung sino unang lalabasan, wagi ng first prize na 20k. Meron pang second prize na 10k at ang mga losers get 5k each. Ganyan siya kung maglaro sa mga tauhan niya.
“’Eto namang mga lalaking ‘to, mga pasaway din, eh. Katwiran nga nu’ng kausap ko, sayang din daw ‘yon. At least, sila-sila lang ang nagkakakitaan.”
Pero ang nakakalokah raw ay ang pagkakatitig ni Mr. Personality sa mga “nota” ng mga guys. Talaga raw habang tumatawa ay ang concentration ng mga mata ni Mr. Personality ay sa nota talaga.
Habang ikinukuwento talaga sa amin ang senaryong ‘yon ay nakataas ang kilay namin. Hindi talaga kami makapaniwala, wa ek. Although dalawa na ang nagkukuwento sa amin, ha? Wala sa image kasi, eh.
Pero please lang, ha? ‘Wag na kayong manghingi pa ng clue dahil delikado, bukod pa sa katotohanang ang cheap-cheap ng isyu. Hahahaha!
Hindi naman siguro bakla ang lolo mo, ‘teh.
NAKAKALOKAH TALAGA ANG mga teleserye sa ABS-CBN. Kung may sarili kaming trending sa aming mentions at timeline, nakakalokah. Laging trending ang bawat show. Mula sa 100 Days To Heaven tapos, My Binondo Girl hanggang Guns & Roses at Nasaan Ka, Elisa?, nakakalokah ang mga mentions.
Pinupuno nila ang aming Twitter account. No, hindi naman kami nagagalit. Actually, naaaliw kami sa mga televiewers na babalitaan pa kami kung ano’ng kaganapan sa kasalukuyang pinanonood nilang teleserye ng ABS.
Sa aming timeline din ay nakikipagtagisan sa pagtu-tweet sina Claudine Barretto at Marvin Agustin na bida naman sa Iglot. Honestly, hindi kasi namin ito napapanood, kaya wala kaming idea kung ano na ang nangyayari rito, dahil sina Marvin at Claudine lang ang aming nasa timeline.
Gano’n pa man, isang patotoo na ang Twitter ay malaking impluwensiya sa mga manonood para i-inform ang kani-kanilang mga followers at mine-mention kung ano na ang latest (real-time) na nangyayari sa paligid at sa mga tao.
AYAW PATALBOG SA Star Magic Catalogue ni kaibigang Perry Lansigan na meron namang “Biblio” kung saan catalogue naman ito ng kanyang mga talents na pinangungunahan nina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Geoff Eigenmann, Wendell Ramos, Gabby Eigenmann, Janno Gibbs,Carl Guevarra, Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, Wilma Doesnt, Max Collins, Carlo Gonzalez at Angelika dela Cruz.
Kuha lahat ng pamosong Marc Nicdao ang mga larawan at in fairness, bongga. Nako, ‘yun na lang daw ang nasabi ko, o! Anyway, ito pala ay ipinagbibili at ang proceeds nito ay mapupunta sa YesPinoy Foundation ni Dingdong Dantes, kung saan binabalak ng kanyang grupo na magtayo ng ilang paaralan sa Mindanao area, partikular sa Sulu.
In fairness to Dingdong, ever since, consistent sa mga charitable works ang lolo n’yo despite his heavy sched. Kaya naman super blessed si Dingdong.
Oh My G!
by Ogie Diaz