KAHIT aminadong masama pa rin ang loob sa kay Julia Barretto ay hindi pa rin napigilan ni Claudine Barretto na ipagtanggol ang pamangin sa isyung bagsak na ang career nito ngayon.
“Ako, meron akong sama ng loob kay Julia, everybody knows that but I don’t wanna think na bumagsak yung career niya,” pahayag ni Claudine sa aming interview sa virtual mediacon para sa comeback movie niyang Deception with Mark Anthony Fernandez.
Dugtong pa niya, “Ako, mas naiintindihan ko since I’m here in showbusiness, mas importante na mabigyan siya ng right project. And even wala pang mga tsismis tungkol kay Julia, she was just really waiting for that good project to come to her.
“Kasi nga, ang problema madami sila – may Jadine, may Kathniel, may LizQuen, may Joshlia dati, ngayon may Gerald, hindi ano… I’m just waiting.”
Inihalintulad din ng Deception star ang pinagdaanan niya noon sa sitwasyon ngayon ni Julia.
“Nega nga ang mga nasusulat para sa pamangkin ko, pero at the end of the day, pamangkin ko pa rin yon, eh. Hindi ako naniniwala na babagsak (ang career niya),” paniniguro ng 41-year-old actress.
“Kasi sa akin, nangyari na yan, ilang beses na, lalo na yung rebellious days ko, pero hindi siya bumagsak. Si Julia, naging nega lang siya, and we just need a real good project for her because alam ko dugong Barretto yan. Magaling yan. At saka may dugong Dennis Padilla yan, magaling din sa comedy,” hirit pa niya.
Nagsimula ang gusot sa pagitan ng magtiyahin nang magkasakitan sina Claudine at Marjorie Barretto sa burol ng kanilang ama na si Miguel Barretto noong October 2019. Si Marjorie ang ina ni Julia na nadamay din sa nangyari.
With regards to her new film, aminado ang aktres na naka-relate siya sa kanyang role sa Deception dahil ilang beses din daw siyang naka-experience ng panlilinlang.
Aniya, “Yung movie is close to home. It really hits close to home because napagdaanan ko talaga first hand. There are some scenes in the movie na totoo talaga na close to home talaga.
“Ang hindi lang nangyari, yung part na murder, pero deception has always been a part of my life. It’s always been done to me in so many ways,” sabi pa ni Claudine.