Once an actress, always an actress.
Palasak man ang kapaniwalaang ito sa showbiz, pero ito ang patutunayan ni Claudine Barretto as her TV comeback via “Bakit Manipis ang Ulap?” hits primetime television tonight on TV5.
Let’s face it, even before ABS-CBN’s Kathryn Bernardos, Liza Soberanos, and Nadine Lustres came into being ay nauna nang iniluklok bilang Primetime Princess si Claudine.
Sidelined for four years and besieged with life’s challenges, nagbabalik ang aktres to make up for lost time. At dahil sa rami ng mga pinagdaanan ni Claudine sa kanyang masalimuot na buhay, not only has she become a better version of herself, she has also evolved into a much better actress of her generation.
For sure, ramdam din ni Claudine Barretto ang pinaghalong tuwa at kaba sa kanyang pagbabalik—thanks to the trust of Viva TV and the thrust of TV5. Tuwa dahil muli niyang magagawa what she does and loves best. Kaba dahil naroon pa rin kaya ang init ng pagtanggap sa kanya?
With a project of epic proportions, walang dahilan para hindi ito tangkilikin at subaybayan. Pinoys are real suckers for tear-jerkers and histrionics.
Sa pagsasahimpapawid ng pilot episode ng BMAU mamayang gabi, we’re more than curious if not intrigued kung ano at paano ang magiging directorial attack ni Joel Lamangan sa materyal na isinulat at idinirihe ng yumaong si Danny Zialcita noong mid-80s.
And how Direk Joel will transform his lead stars into no mere copycats of the original players.
SPEAKING OF another remake, no less than film producer Donna Villa ang tuwang-tuwang tutok na tutok sa pilot episode last Saturday ng “Tasya Fantasya”.
It was Tita Donna and Direk Carlo J. Caparas’ Golden Lions Films that produced its original film version a quarter of a century ago. Ginampanan noon ni Kris Aquino, binuhay ni Shy Carlos ang karakter ni Tasya in the TV5’s Saturday night fantaserye.
Hindi nga pinalampas ni Tita Donna ang much-awaited pilot airing nito. “Naku, talagang binibilang ko ‘yung mga commercials! At ang dami, ha?” pagmamalaki ng amiable lady producer.
For the record, bukod sa Tasya Fantasya ay nadagdagan pa ang mga klasikong materyal na likha ni Direk Carlo J. na nabili ng Viva TV. Over the week, maingay na inilunsad ng TV5 at Viva Communications ang aabangan na ring Carlo J. Caparas’ “Ang Panday” to premiere on February 29.
Balita ni Tita Donna, “Bale Viva bought a total of Carlo’s 15 novels to be produced on TV. Pero ayoko munang idetalye ‘yon. Basta, mas sisigla ang TV!”
It’s about time TV5 joined the competitive race anew. Much of the network’s renewed stance ay dahil sa pagpasok ng Viva Communications into the picture, putting its stakes via a good number of promising primetime shows which have begun airing nitong Pebrero.
IF ONLY for its exclusive news coverages and manner of reportage ay loyal viewer kami ng 24 Oras. Ito’y bukod sa karamihan sa mga mahuhusay na field reporter nito ay mga kaibigan namin.
Ang exchange rate din (peso versus dollar) na ipina-flash before going to gap ang isa pa rin sa aming mga inaabangan, kung lumalakas ba ang ating piso kontra dolyar (as if naman, ramdam ng sinumang Pinoy ang epekto kung mataas ang pera natin, ‘no!)
Pero may pagkakataong hindi inieere ng 24 Oras ang exchange rate after the first gap, such was its last Friday edition. Dahil walang sumasagot sa direct line ng news desk ay nagpakunek kami sa operator ng GMA.
Sagot ng lalaking nakatanggap ng tawag sa news department, wala raw silang alam du’n. Huwag daw naming idulog sa tanggapang ‘yon ang aming inquiry. Mahirap din daw guluhin ang sequence ng umeere na nilang programa.
Sigurado kami that we were not misconnected, pero bakit walang alam ang taong ‘yon sa sequence ng kanilang programa ng gabing ‘yon? At maangas pa ang pagsagot ng lalaking ‘yon, ha? Kung walang alam ang taong ‘yon sa itinatakbo ng 24 Oras, in the first place, bakit siya naka-assign sa departamentong ‘yon?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III