ISANG KAMAG-ANAK na naman ng mga Barretto ang tila dumepensa naman kay Claudine. Siya ay si Pocholo Barretto na ayon pa sa isang blog ay ‘very close’ umano sa bunso ni Mommy Inday.
Last April 27, sa twitter account niyang @pocholobarretto, nagpost ito ng larawan na may caption na, “Ang away dapat dito tinatapos!!! Walang bayaran!!!”
Ang larawan dito ay tila isang boxing arena. Ang sinasabi naman nitong walang bayaran ay marahil mula sa isyung diumano ay binayaran ni Gretchen Barretto si Tanya Montenegro para idepensa niya na sinabi naman ni Mommy Inday na paid hack nga raw itong dating aktres.
Kasunod na post ni Pocholo, “Who the hell is this TANYA?! Never met her.”
Siguro nabasa at napanood na ni Pocholo ang mga panayam ni Tanya Montenegro na nagsabing best friend ni Gretchen ng halos tatlumpong taon na.
Kasunod na post pa ni Pocholo, “Get your facts straight. No body ever called Claudine mama Claud… Mama pretty yes! So who is this person being interviewed now??”
Kaloka.
LABIS NA nasaktan si Martin Nievera sa balitang malapit na palang magbabu sa ere ang kanyang bagong show na Martin late @ Night.
Base sa tweets ni Martin sa official account niyang @4eversinging4u, tila may hinanakit nga ito dahil on the way out na ang Martin Late @ Night sa ere.
Noong April 25, tatlong sunud-sunod na tweets ang naka-post sa twitter account niya.
Unang mensahe ay ganito, “Ok tweet hearts. My biggest fear came true. Just found out martinlateatnight is only 13 episodes talaga. Then that’s it. Had highhopes sad=(“
Kasunod niyang post, “Please everyone keep watching late@night before it ends. Meanwhile join me tomorrow in Subic then Sat in Bacoor. Just by a cd & your in!”
Panghuling post ni Martin noong araw na yun ay ganito ang nakasaad, “I hope abs cbn reads all your tweets about late@night. Thx all!”
Last April 27 naman, ganito ang post ni Martin sa kanyang twitter, “To everyone in SM Bacoor I am so sorry I was late! Thank u for waiting that love for unprofessional me =(. It won’t happen again. Promise!”{
Nitong Lunes, April 29, apat namang magkasunod na tweets ang ibinahagi ni Martin sa kanyang mga followers kung saan sinabi nitong diumano ay hindi siya sinasagot ng management tungkol sa kanyang mga tanong.
Saad niya, “It’s hard to try & make l@n better if I don’t have the support from upstairs. They don’t even answer my texts.”
Ang l@n ay acronym ng titulo ng show na Late @ Night.
Kasunod pa niyang tweet, ay patungkol naman sa diumano ay mababang ratings ng show na hindi naman daw niya kasalanan. Lahad niya, “U cannot blame me if I am not rating like the prime time shows if u don’t support me like u support them. No band no live audience? How?”
Dagdag pa niyang tweet, “I know I am no teleserye or noon time show but if I had their support I would last longer. Can’t stay in the fight alone. So sad.”
Sabi niya sa huling tweet niya patungkol sa kanyang show noong April 29, ay ganito, “It feels like the station is just waiting for my season to end so they can be rid of l&n to say, “ok we gave u a show! Now go to your room!”
Sure na ‘to
By Arniel Serato