KUNG SI Angel Locsin lang ang masusunod, gusto niya sana ay pantay-pantay ang billing nilang apat nina Bea Alonzo, Shaina Magdayao at Toni Gonzaga sa kanilang pelikulang Four Sisters and a Wedding for Star Cinema’s 20th anniversary offering ngayong June 26, kung saan kasama rin nila bilang nag-iisang kapatid na lalaki na ikakasal si Enchong Dee.
Sa lay-out poster kasi, nauna ang pangalan ni Bea na sinundan ni Toni na may ‘and’ bago ang pangalan nito, at huli si angel na may ‘and’ din before her name.
Samantalang nasa ibaba ng mga pangalan ng tatlo ang mga pangalan nina Shaina at Enchong na magkapantay at mas maliit ang font size.
Kung sa bagay, sina Bea, Toni at Angel ay pare-parehong may ilang box-office records sa takilya, habang si Shaina ay wala pa naman. Samantalang si Enchong ay may isang hit movie naman with his former love team Erich Gonzales, ang I Do, mula sa Star Cinema rin.
In fairness din sa kampo nina Bea at Toni, hindi rin sila nag-demand pagdating sa billing.
Balita namin, ang Presidente at COO ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio mismo ang nag-decide na lagyan ng and in between the names of Bea, Toni and Angel.
Abangan din sa pelikula nila kung sino ang misteryosang babae na pakakasalan ni Enchong!
SPEAKING OF star cinema, gaano katotoo na muling gagawa ng pelikula si Claudine Barretto rito na may ilang blockbuster films na nagawa para sa nasabing film outfit, gaya ng Dahil Mahal na Mahal Kita, Kailangan Kita, Sukob, Milan at Dubai?
We heard, nakapag-meeting na raw ang mahusay na aktres at ang big boss ng Star Cinema na si Tita Malou Santos.
Hindi lang namin sigurado kung magiging co-producer ang Viva Films, dahil ang pagkakaalam namin ay may isa pang movie na gagawin si Claudine, ayon sa pinirmahan niyang kontrata rito noon.
Kung matuloy man ang pagbabalik-pelikula ni Claudine sa Star Cinema, is it also true na ang maaari niyang makasama rito ay isa sa nakaalitan niyang Kapamilya Star?
BIGATIN PALA ang mga interpreter ng mga masusuwerteng napiling kanta para 2013 Philpop Musicfest na gaganapin ang finals night on July 20 at Meralco Theater in Ortigas Center, Pasig City.
Ilan sa mga kilalang singers natin na nagpahiram ng kanilang mga boses para sa mga bagong magagandang likhang awitin ay sina Christian Bautista, Karylle, Sam Concepcion, Kean Cipriano, Yael Yuzon, Sitti, Joey Ayala, Gloc-9, Wally Bayola at Jose Manalo.
Mabibigyan din ng pagkakataon ang mga baguhang artist na sina Kimpoy Feliciano, Six-Part Invention, Denise Barbacena, Silverfilter, Ace Libre of Never The Strangers at Julianne Tarroja.
Ang chairman ng Philpop MusicFest Foundation, Inc. ay si Mr. Manny V. Pangilinan at ang executive director ay si Maestro Ryan Cayabyab, no less.
Natatawa lang kami kay Yael nang maka-tsikahan namin ito, dahil hindi nito kinukumpirma ang relasyon nila ni Karylle, kahit nakita na namin silang magkasama minsan last September 2010 sa Universal Studios at Night Safari sa Singapore na sweet na sweet, kung saan kasama rin nila ang half-sister ng huli na si Zia Quizon with her boyfriend, too, at ang kanilang lola na nanay ng kanilang mother dear na si Zsa Zsa Padilla.
SAKTO NGAYONG simula muli ng pasukan sa ekuwela ng mga bagets ang bagong show na pagbibidahan ni Jillian Ward as Daisy sa GMA-7, ang One Day, Isang Araw na magsisimula na sa June 15 after 24 Oras Weekend.
Makakasama ng child wonder ang ilan pa sa mga ipinagmamalaki ng kapuso network na mga bibong-bibong child star na sina Milkah Nacion, Marc Justine Alvarez at Joshua Uy na na-discover sa kanyang ‘di mabilang na mga TV commercial na tila kabog niya si Anne Curtis, dahil so far, may 33 endorsements na si Joshua!
Sa isang tree house magkikita-kita ang apat na bagets para sa kanilang story-telling sessions na siguradong kapupulutan ng mga aral ng mga batang manood gano’n din ng mga matatanda.
Franz 2 U
by Francis Simeon