CLAUDINE BARRETTO has found an ally in Rosanna Roces.
Sa kanyang social media account, lantaran ang suporta ni Osang kay Claudine sa laban nito sa asawang si Raymart Santiago at sa mga kapatid na sina Gretchen at Marjorie.
Bagama’t blind item ang pagkakalatag, her name-calling clearly points to the identities of Claudine’s opponents. Halimbawa, “pandak” ang tawag niya kay Raymart, “botox” naman kay Gretchen at “mukhang siopao” naman kay Marjorie.
As everybody knows, Osang has never been close to Claudine, and vice versa. Kung bakit ipinagtatanggol ng dating sexy star si Claudine provides no clear answer, at least to establish their long years of friendship.
Pero may kasabihang, “Birds of the same feather flock together.”
Sa anong aspeto kaya ng respective lives nina Osang at Claudine maaaring sabihing sila’y mga ibon na may parehong pakpak (be careful with the vowels)?
Sa kani-kanilang buhay-pag-ibig kaya since kung paanong nawasak na ang pagsasama nina Raymart at Claudine ay matagal na ring nabuwag ang relasyon ni Osang kay Tito Molina?
O dahil kaya sa insinuwasyon mismo ni Marjorie na may “something” sa pagitan ni Claudine at ng abogado nitong si Atty. Ferdinand Topacio (with reference to a pair of identical bracelets), na hindi nalalayo sa usap-usapan noon that after Tito ay abogado niya ang nakarelasyon umano ni Osang?
O malaki ring factor ang pagiging stars no more nina Osang at Claudine? Time was when nga naman that they were superstars in their own right, pero ang pareho nilang career ay bumulusok sa “La Ocean Deep”.
For sure, Osang’s and Claudine’s lives are not intertwined sa aspeto ng kani-kanilang relasyon sa mga anak nila. Claudine proves to be a great mom to Sabina and Santino, while Osang has had verbal brushes with her son Onyok.
Puwes, if sa NOTA as in none of the above matatagpuan ang pagpapatunay sa angkop na kasabihang, “Birds of the same feather flock together” kina Osang at Claudine ay saan?
Saaaaaaannnnn????
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III