HINDI totoong naputulan ng kuryente noong December 24, bisperas ng Pasko ang aktres na si Claudine Barretto dahil hindi raw ito nakabayad. Ito ang naging paglilinaw ng aktres sa kumalat na balita na base sa kuwento ng legal counsel ng aktres na si Atty. Ferdinand Topacio.
Paglilinaw ni Claudine, imposible silang mawalan ng ilaw o kuryente dahil meron silang sariling generator nakatulad ng ginagamit sa mga syuting. Kaya raw suplyan ng naturang generator ang kanilang buong kabahayan.
Ayon pa sa dating Kapamilya actress marahil ay hindi lang daw sila nagkaintindihan ni Atty. Topacio kaya ganun ang naging pahayag ng kanyang abogado nang mag-guest ito sa isang showbiz online show
Kwento pa ni Claudine, nung bumisita raw sa bahay nila si Atty. Topacio para magdala ng Christmas gift ay hindi sila naabutan sa bahay dahil umalis silang lahat. Iniwan din daw nilang patay lahat ang ilaw sa kanilang bahay.
After Typhoon Ulysses ay nag-check-in din muna si Claudine sa isang hotel kasasma ang kanyang mga anak na sina Sabina at Santino dahil binaha ang kanilang bahay at kailangan munang patuyuin ang pinagsasaksakan ng kuryente. Kinalaunan ay tumuloy naman daw sila sa condo unit ng inang si Mommy Inday Barretto sa Bonifacio Global City.
Bahagi rin sa naging paglilinaw ni Claudine na hindi siya talaga pinutulan ng kuryente ng Meralco ay ang umiiral na batas ngayon – ang Bayanihan Act ll – na ipinagbabawal ang pagputol ng kuryente hanggang January 31, 2021.