SUMAGOT NA ang kampo ni Claudine Barretto sa naging pahayag ng estranged husband nitong si Raymart Santiago last July 30, 2013. Matatandaang naghain ng Temporary Protection Order si Claudine laban kay Raymart last Monday July 29 sa Marikina Regional Trial Court para umano sa kaligtasan nilang mag-ina.
Sa statement naman ni Raymart, itinanggi nito ang mga akusasyon sa kanya ng dating asawa. Ayon pa sa kanya, “Matagal na akong nanahimik pero dahil sa mga mapanirang akusasyon na ibinabato sa akin, napilitan akong sumagot para na rin sa kapakanan ng mga nak namin.”
“Walang katotohanan na inabuso ko ang ina ng mga anak ko. At bilang ama, hindi ako gagawa ng hakbang na ikapapahamak ng mga anak ko. Hindi ko siya pinagbuhatan ng kamay. Maraming mga nakakakilala sa akin na makakapagpatunay niyan.”
“Marami rin ang makapagpatunay na may kakayahan siyang gumawa ng kuwento.”
“I strongly deny her accusations. Lalabas din ang katotohanan. Sasagutin namin ang lahat sa korte sa tamang panahon.”
Sa pahayag ng legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio na ipinadala sa amin last July 31, sinabi nitong ‘very funny’ ang mga naging sagot ni Raymart sa kanilang reklamo. Dagdag pa nito, baka raw maaari pang makasuhan ng iba pang ‘criminal offenses’ si Raymart dahil dito.
Kahit na raw may gag order na ang korte, sinabi ni Atty. Topacio na ang kanilang statement ‘does not make any comment on any of the merits of a pending case and thus not covered by the sub judice rule, nor on any of the allegations therein, and hence does not violate the confidentiality rule of R.A. 9262.’
Narito ang buong pahayag ni Atty. Topacio:
“Mr. Raymart Santiago has said in a statement that my client, Ms. Claudine Barretto, is ‘capable of making up stories.”
“We find that statement to be very funny, coming from a man whose very foundations for his enticements for Ms. Barretto to enter into marriage with him are based on stories concocted by him, and bolstered by layer upon layer of more untruths as we shall prove in a separate case. The deceptions by Mr. Santiago may even constitute criminal offenses.”
“The allegations of Ms. Barretto are based on solid evidence of all kinds and nature. We are looking forward to seeing Mr. Santiago in court, so that, once and for all, it may determine who is telling the truth,”
So, see you in court na ang drama nila.
Sure na ‘to
By Arniel Serato