HINDI NAPIGILANG maiyak ni Claudine Barretto sa solo presscon na ibinigay rito ni Atty. Ferdinand Topacio na ginanap sa poolside ng Sky Tower sa Pasig City nang mapag-usapan ang kanyang mga pamangkin sa mga kapatid na sina Gretchen at Marjorie Barretto.
Tsika pa ni Claudine, habang tuluy-tuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang pisngi, na itinuturing niya raw na mga anak ang kanyang mga pamangkin. Mensahe nga nito sa kanyang mga pamangkina na sina Julia, Claudia, Dominique (anak ni Gretchen) at iba pa niyang mga pamangkin na mahal na mahal niya ang mga ito at ‘wag daw sanang kalimutan ng mga ito na mahal na mahal sila ng Tita Claudine nila.
Medyo matagal-tagal na nga raw na hindi na sila nagkikita ng kanyang mga pamangkin kaya ganu’n na lang daw ang lungkot na nararamdaman nito dahil close siya sa mga ito. Almost one year na nga raw na hindi sila nagkikita, nagkakausap at kahit mga anak nga raw niya ay hindi rin nakikita ng mga pinsan nito sa kanyang mga kapatid.
Proud na proud nga raw ito sa kanyang pamangking si Julia na isa sa ginug-room ng ABS-CBN para maging isa kanilang maningning na artista, suportado raw ni Claudine ang career ng kanyang pamangkin kay Marjorie at Dennis Padilla.
Arjo Atayde, pasang maging action star
PASADO RAW maging action star dahil na rin sa husay sa pag-arte sa soap na Dugong Buhay ang young actor ng Kapamilya Network na si Arjo Atayde. Hindi nga nagpapatalbog ito sa pag-arte maging sa mga action scene sa kanyang co-star na si Ejay Falcon, kaya naman marami ang humahanga sa husay nitong gumanap sa nasabing teleserye.
Very thankful nga raw si Arjo sa positibong feedback sa kanyang pag-arte sa serye, kaya naman daw mas nai-inspire siyang paghusayan pa ang kanyang pag-arte sa lahat ng proyektong ibinibigay ng ABS-CBN.
Aprubado raw sa kanya na malinya sa drama, komedya o action mapa-pelikula o telebisyon as long as may proyekto. Hindi rin daw siya namiimili ng makakatrabaho dahil alam daw nitong sa lahat ng kanyang makakatrabaho ay may matututunan siyang technique sa pag-arte na puwede niyang magamit sa iba pa niyang proyekto.
Pero hindi pa rin daw nawawala sa kanyang isip na minsan ay makakatrabaho at makakasama niya rin sa isang proyekto ang kanyang iniidolong si John Lloyd Cruz na isa sa kanyang inspirasyon sa pagpasok sa Showbiz at para mas paghusayan pa ang kanyang pag-arte.
ISANG DANCE Group mula sa Dominican School ang nais naming ipakilala sa column namin at ito ay ang grupong JR. Full Force Crew na binubuo ng 7 Members na pare-parehong nag-aaral sa nasabing paaralan, at sila ay sina JM David, Yosh Libunao, Lance Baldovino, Julius Lee, Ali Islam, Rafael Espinosa at King Camiloza.
Mula nga sa pagsayaw-sayaw sa kanilang eskuwelahan ay nakakasama na ang grupo sa mall shows ng UPGRADE, kung saan isa ang kanilang grupo sa tinitilian at pinapalakpakan dahil na rin sa angking galing sa pagsayaw at kaguwapuhan.
Kaya naman after ng guestings ng mga ito sa UPGRADE Mall Tour sa SM San Lazaro, nasundan ito ng SM Dasmariñas last Aug. 18 at Aug. 25 naman sa SM Masinag na pare-parehong umani ng malakas na palakpakan at tilian mula sa fans na naroroon.
Umaasa raw ang grupo na darating din ang kanilang oras na sisikat sila katulad ng mga nauna ng mga mananayaw sa telebisyon na sumikat nang husto like Street Boys, Maneuvers, Universal Motion Dancers, atbp.
John’s Point
by John Fontanilla