Ang Deception ay magiging reunion movie rin ni Claudine at ng ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez na huling nagkasama sa Star Cinema movie na Mangarap Ka 26 years ago.
Ayon kay Claudine, hindi niya pinagsisihan na pansamantalang tinalikuran ang showbiz at iniwan ang pag-arte.
Kuwento pa ni Claudine sa amin, nagpaalam siya sa mga anak na babalik na siya sa pag-aartista at pinayagan naman daw siya.
Lahad ng aktres, “Both Santino and Sabina said na, ‘It’s okey mommy, you can work already, we’re big already.’ And looking at them now individually, I think tama lang ang naging desisyon ko na bantayan ko ang kanilang paglaki. And I will never ever regret stepping back.
“My top priority will always be motherhood. It’s something that you cannot say na, ‘Okey, break muna ako.’ But my passion will always been showbusiness. This is all I know and this is what I think I’m good at.
“And now that my children are bigger na — Santino is turning 17, Sabina is turning 14, so I have two big kids already and then I have two small one – I have six-year-old and I have a three-year old – so yon naman yung tinututukan ko.”
Eh, bakit nga ba niya tinanggap ang movie project kasama ang ex-boyfriend?
“First of all, I said yes to this project because it’s different, the story is different. It’s not a Filipino movie that you usually get to watch and also.
“This is directed by Direk Joel Lamangan, he’s very close to my heart. Basta sinabing Joel Lamangan, hindi ako hihindi talaga. And also a reunion for Mark and I. Parang ang tagal-tagal nang pinagpaplanuhan yung reunion na ‘to, ngayon lang talaga nangyari,” tugon ng aktres.