DIBDIBAN NGAYON ang ginagawang pagpapapayat ni Claudine Barretto para matuloy ang movie project niya with Wenn Deramas under Viva Films. Ipinangako ng box-office director at ni Vic del Rosario sa actress na tutulungan nila ito para muling maibalik ang showbiz career.
Pinatotohanan naman ito ni Direk Wenn, kinakarir daw talaga ni Claudine ang pagda-diet. Gusto nitong maibalik ang dati niyang figure nu’ng single pa lang siya.Hindi na nga raw ito naglalabas ng bahay at hindi mo makikitang nag-i-emote sa mga social gathering.
Hangga’t hindi physically fit si Claudine, hindi itutuloy ni Boss Vic ang movie nito with Direk Wenn. Maging si Direk ay excited na makatrabaho niyang muli ang actress dahil naniniwala siyang magaling na actress ang asawa ni Raymart Santiago. Tatapusin lang nito ang pelikula niyang Girl, Boy, Bakla, Tomboy ng Star Cinema at Viva Films, agad-agad na sisimulan ni Direk Wenn ang movie nila nina Claudine at Maricel Soriano.
HINDI ITINANGGI ni Karla Estrada na malaki ang naitulong ng kanyang anak na si Daniel Padilla para muli siyang makabalik sa showbiz. Hindi naging hadlang ang kanyang katabaan para mapasama sa teleserye nina Robin Padilla, Anne Curtis at Kris Aquino. In fairness, magaling na actress at singer ang mader ng young actor. Maging ang ama nitong si Rommel Padilla ay na-revive muli ang showbiz career.
Hindi ikinahihiya ni Karla na sabihin na si Daniel ngayon ang bread winner sa family. Sa dami ba naman ng product endorsement at commercial ng binata, sigurado kaming matutupad ang pangarap niyang makapagpatayo ng bahay malapit sa town house ni Wenn Deramas. Ngayon pang abot-kamay na ng young actor ang tagumpay, hindi lang house & lot ang puwedeng ipundar ni Daniel. Maging pag-aaral ng mga kapatid niya, sagot lahat nito.
Buong ningning na ipinagmamalaki pa ni Karla, mahal na mahal ni Daniel ang kanyang mga kapatid kaya ganu’n na lang ang pasasalamat niya dahil mapagmahal sa pamilya ang kanyang anak. Ang labis pang ikinatutuwa ng singer/actress ay maayos niyang napakalaki ang kanyang mga anak. Nang dahil sa success na tinatamasa ngayon ni Daniel, naging maganda na ang financial status nila. Maganda na ang takbo ng kanilang pamumuhay at ‘yan ay dahil sa young actor.
NAKAUSAP NAMIN si Ms. Maria Theresa Gow (British/Filipino), a singer-TV host who is based in Japan last Friday at Resorts World Hotel. She’s here to promote WCOPA (World Championship of Performing Arts), where Jed Madela won as the first Filipino grand champion 2005. Gow will be hosting the said event on March 10,2013, 6PM at Tokyo Style, Japan.
Aside sa pagiging singer/TV host ni Gow, she’s also a composer ng sarili niyang songs entitled “Dream” and “Let’s Get It On” (English & Japanese version). She’s also doing a stage musical presentation, “Re-Stage, The Dream Stage” (excerpts from the movie Dreamgirls, Chicago, Burlesque) with Maricar Riesgo, Paula Hermosa, Oyee Barro, John Alejandro, Richard Martinez, Apple Campos, Paulo Romero with the Koolkatz Dancers. It’s a double biggest event in Japan, broadway musical show and official world talent search (WCOPA). She is currently a host in Fox Channel in Japan.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield