LAKING TUWA NG mga mamamayan ng Rosario at mga kalapit na bayan ng Batangas nang ganapin ang qualifying tournament ng TRUST Bunong Braso Challenge sa kanilang poblacion noong Hunyo 11, kasabay ng pagdiriwang ng foundation day ng bayan ng Rosario.
Sa pagdayo sa Rosario ng tropa ng TRUST Quality Condoms sa pangunguna ng host na si DJ Marf ng 99.5 RT, ipinamalas ng mga Batangueño ang sing-init ng kapeng barakong pag-welcome nila, pati na sa mascot na si Super TRUST na game na game na nakipagsaya at nakipiyesta, at inaasahang dadalo sa mga susunod pang dadayuhin ng TRUST Nationwide Bunong Braso Challenge. At sa bunong braso qualifying tournament, itinodo ng mga sumali sa kumpetisyon ang kanilang galing para makamit ang titulong kampeon mula sa Batangas at para makuha ang cash prize na P10,000.00. Sa huli, naging kampeon sina Jeffrey “Togtog” Organo sa lightweight division, at Ryan “Resbak” Linga sa heavyweight division. Second placers sina Daniel “McDanelee” Inandan (lighweight division) at Florentino “Idol” Labanon (heavyweight division), at third placers sina Jayson “Joko” Ramos (lightweight) at Ariel “Toro” Barcelona (heavyweight).
Sina Organo at Inandan sa lightweight division, at Linga at Labanon naman sa heavyweight, kasama ang lahat ng top 2 winners sa iba pang lugar na pinagdausan ng TRUST Bunong Braso Challenge Nationwide tour, ay maghaharap-harap sa grand championship round na gaganapin sa Agosto 6 sa Metro Manila. Ang mananalong overall Grand Champions sa bawat dibisyon ay tatanghaling “National TRUST Bunong Braso Champions” at makakamit ang premyong P100,000.00.
Tumutok ang mga manonood sa mainit na laban ng bunong braso tournament at naaliw sa kanta at sexy dance ni Monique ng SexBomb. Lalo pang di-magkamayaw sa tuwa ang manonood nang pasayawin ni SexBomb Monique ang mga kalalakihan, pati na ang isang pulis, ng Spaghetting Pataas At Pababa, isa sa mga sumikat na awit ng SexBomb, lalo na nang paglaruan niya ang isang game na game na binata.
Ang mga kinatawan ng TRUST Quality Condoms na pinangunahan ni Emman Alfonso, ang Product Manager, at si Roy Fadallan, ang Field Operations Manager ng South Luzon, ay dumalo upang ipadama ang kanilang suporta sa mga Bunong Braso Challengers at upang igawad ang gantimpala sa mga nanalo.
Ang naganap na qualifying round sa Batangas ay ikalima sa walong lugar na pagdarausan ng Nationwide TRUST Bunong Braso Challenge. Nagsimula ito sa Taguig City (April 16), sumunod sa Las Piñas City (April 30), Baguio City (Mayo 14), at Valenzuela City (May 28). Ang ikaanim na qualifying tournament ay ginanap noong Hunyo 25 sa People’s Park, Davao City. At ang ika-pitong qualifying tournament ay ginanap noong Hulyo 2 sa Pahina Sports Complex, Cebu City. Ang huling qualifying tournament ay magaganap sa Hulyo 23 sa Quezon City.
Sa mga kalalakihang may edad 18 pataas na gusto ng karagdagang detalye at iba pang impormasyon kung paano sumali sa TRUST Bunong Braso Challenge sa mga susunod na lugar, maaari kayong mag-text o tumawag sa mga numerong (0917)909-9090 para sa Globe at Touch Mobile subscribers; (0949)323-6788 para sa Smart at Talk n Text, at (0932)527-4228 para sa Sun Cellular Subscribers o sumulat sa email address na [email protected].
Clickadora
Pinoy Parazzi News Service