Napakaraming Pinoy values ang natutunan ni Coco Martin while doing “FPJ’s Ang Probinsiyano”.
“Napakarami po, eh. Siguro bilang isang normal na tao, as a viewer or as an actor, napakaraming good values ang ipinakikita ng ‘FPJ’s Ang Probinsiyano’.
“Unang-una na pagdating sa pamilya, kung paano nagmamahalan at nag-iiintindihan ang isang pamilya, kung paano namin sino-solve kung may problema kami, kung paano ang pakikipagkapwa-tao ko sa labas ng tahanan. Kumbaga, lahat ‘yun ay naa-absorb ko bilang artista.
“At bilang pulis naman, nakikita ko ang mga karapatan ng mga pulis at karapatan din ng mga indibidwal na mga tao na dapat na napaaalam natin sa ating mga manonood. Kumbaga, napakaraming moral lessons talaga na matututunan,” say ni Coco.
Ngayong umabot na sa isang taon ang teleserye ay may mga pasabog na revelation.
“‘Yung napakatagal n’yo nang hinintay, ngayon po ay unti-unting mabubuksan ang totoong kuwento ng mga nangyari. Kasi noong nakaraan po ay maraming mga issue na tinackle tayo, maraming mga guest na nakatrabaho.
“Mapapansin n’yo po ngayon na itong three months na ito ay dito na tatakbo kung ano ang mga sikreto na itinatago ng bawat character. Kaya sisiguruhin namin na sa loob ng tatlong buwan ay hinding-hindi kayo bibitaw, dahil ito ‘yung matagal nang gustong makita at malaman, kung ano ang totoo,” chika ng actor na bibida sa “FPJ’s Ang Probinsiyano” concert sa October 8 sa Araneta Coliseum kasama sina Susan Roces, Maja Salvador, Arjo Atayde, Simon “Onyok” Pineda, McNeal “Awra” Briguela, John Prats, Yassi Pressman, Bela Padilla, Pepe Herrera, Agot Isidro, Albert Martinez, Eddie Garcia, James Reid and Nadine Lustre (JaDine), Elmo Magalona and Janella Salvador (ElNella), McCoy De Leon and Elisse Joson (McLisse), Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Vina Morales, Ayen Laurel, Vice Ganda, Vhong Navarro, and Hashtags.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas