ALA-TSAMBA TALAGA ang team-up kung magki-click o hindi sa mga fans. Kaya nga sa formula ng ABS-CBN na puwede nilang ipareha ang mga bida nila sa iba, tila swak naman yata ang ginawa nilang eksperimento na pagtambalin sina Coco Martin at Kim Chiu na walang nakapagsabi na magki-click ang tambalan nila sa teleseryeng Ikaw Lamang.
Noong una kasi, aakalain mo na si Kim ay kay Gerald Anderson lang. Nang mag-break ang dalaw, tila may mga fans na hindi ayon na muling pagsamahin ang dalawa sa mga proyekto sa telebisyon at sa pelikula.
Sinuwerte, nag-click si Kim sa bagong kapareha na si Xian Lim na nagdala ng dalawang box-office hit sa kanilang mga pangalan.
Dahil sa sunud-sunod na alat na pinaggagawa ni Xian, kung hindi kami nagkakamali, management decision na ihiwalay muna si Kim kay Xian at this time nga ang tambalan nila ni Coco sa pinakamainit na teleserye ng Kapamilya Network ang siyang bumabandera.
Klik ang tambalan ng dalawa. No need for a love angle para kagatin sila ng publiko. Ang kuwento ng Ikaw lamang at ang magandang paganap ng mga beteranong mga artista ay sapat na.
Kaya nga ang love team sa showbiz, suntok sa buwan. Walang kasiguraduhan kahit ipilit man ng management.
Sa bagong pakulo ng Star Cinema, kung saan this time ay ipapareha si Sarah Geronimo kay Coco Martin, walang nakapagsabi na puwede pala sa dalawa.
Noong una naming napanood ang teaser ng Maybe This Time (showing on May 28) may kiliti na ang mga eksena nina Tonio (Coco) at TepTep (Sarah) para sa amin. Cute ng mga eksena, lalo na ang pagiging straight forward karakter ni Sarah. Nang maipalabas ang full trailer last Sunday, sabi ko sa sarili ko, magki-click ang pelikula ng dalawa. Swak sa panlasa ng manonood catering to 18 years old and above na.
With some tongue and chic dialogues like: “There was never an Us, There will never be an Us, kaya please lang huwag mo na akong landiin!” say ni TepTep kay Tonio; how will you go wrong para hindi makiliti ang manonood?
We just hope na kahit walang love angle ang promotion ng dalawa linking each other ( Sarah is romantically involved with Mateo Guidecelli) sa isa’t isa; ang crowd naman nina Coco at Sarah mga matured audiences na kaht mga bagets pa, ang mahalaga ay maganda ang kuwento ng obra.
Reyted K
By RK VillaCorta