Isa si Coco Martin sa mga artistang love ko na mabibilang ko lang sa sampung mga daliri ko na gusto ko personally. The last time na huli namin siyang nakasalamuha ay sa grand presscon ng teleseryeng “Ang Probinsiyano”.
Sa presscon ng MMFF 2015 entry ng Star Cinema na “Beauty and the Bestie” with Vice Ganda, nang magkita kami ni Coco Martin mula sa kinatatayuan namin ay lumapit siya at yumakap nang mahigpit at humalik sa kanang pisngi namin (hindi lang beso-beso, huh!) at nagpasalamat sa amin sa suporta na palagi naming iginagawad sa kanya kahit madalang ang pagtatagpo namin sa mga events niya.
Nakatutuwang isipin na sa dinami-dami ng mga artista sa showbiz na naisulat namin nang maganda at ipinagtatanggol sa mga pagkakataong kailangan ng moral niyang ayuda ay naaalala pa rin niya ang mga ito. Palagi kong sinasabi na si Coco, bukod sa mabait ay isang mabuting tao based sa kuwento ng mga taong nakauusap ko na may magandang karanasan sa kanya.
Hindi ako magtataka kung bakit swak sila ng “bestie” niyang si Vice na noon pa pala ay magkaibigan na ang dalawa noong waiter pa lang si Coco at si Vice naman ay isang starlet stand-up comedian pa lang sa comedy bar noon.
Mabuhay ka Coco. Love ko ang isang ito.
Hindi ako magtataka kung bakit mula sa pinagmulan niyang buhay na kay hirap ay naiahon niya ang sarili na maging siya mismo, hindi niya inaasahan na mararating niya at makakamit ay dahil sa tulong ng nasa Itaas.
One nice traits of Coco ay marunong siya magpasalamat. Ang layo ng pag-uugali ng isang ito sa mga nasa liga niya. Tsk… tsk…
Reyted K
By RK VillaCorta