HALOS ARAW-ARAW na pala kung mag-taping ngayon ang Juan dela Cruz, kalokah. Nag-press release na, na last 15 days na, aba, sabi ng isang staff na nakausap namin, “Gano’n din, Kuya Ogs. Last 15 days din ang taping!” Gano’n? ‘Kalokah nga kung gano’n.
Pero sabi kasi sa amin ng staff, pinagaganda po kasi talaga ‘yung ending, kaya kahit mag-overbudget na kami, ayos lang. Basta magugustuhan ng mga bata.”
Eh, si Coco pa naman, ‘pag nagbibida sa isang teleserye, lagi niyang iniisip ‘yung mga batang audience niya, kaya bilang miyembro rin siya ng creative team, he makes sure na hindi nawawala ang atmosphere ng para sa bata.
Kaya subaybayan n’yo na ang kapana-panabik na pagtatapos ng Juan Dela Cruz after TV Patrol.
HINDI KAMI etchingera pagdating sa pelikula. ‘Pag trailer pa lang, chaka na ang arrive sa amin, quiet lang kami. Pero ‘pag gandang-ganda kami, para kaming sirang plaka sa kapupuri. Itinu-tweet pa nga namin ‘yan, eh.
Tulad na lang nitong She’s The One nina Bea Alonzo, Dingdong Dantes and Enrique Gil na showing na sa Oct. 16. Trailer pa lang, nakakikilig na sina Bea at Dingdong. Makalilimutan mo pansamantala na, “Ay, oo nga pala, ‘no? Dyowa ni Dingdong si Marian Rivera at dyowa naman ni Bea si Zanjoe Marudo.”
Talagang po-focus ka sa movie, lalo na ‘yung eksenang pahiyaan sa harap ng barkada, gustung-gusto ko ‘yung scene na ‘yon. At sabi nga ni Roxy Liquigan ng Star Cinema, “Ang ganda ng movie, napanood na namin. Magugustuhan mo ‘yon, mare! Saka si Dingdong, lahat ng eksena niya rito, hindi siya nagreklamo. Talagang ‘yung confidence at trust niya sa Star Cinema, buong-buo.
“Eh, nakakailang movies na ba rito si Dingdong, ‘di ba? Hindi siya pinabayaan ng Star at ng ABS-CBN, aminin mo ‘yan!”
Oo nga naman.
Young Actor, nakipag-69 sa Ramp Model?!
BLIND ITEM: Umarko ang kanang kilay ko hanggang 10th floor sa narinig ko, kaya pinaulit ko ang naunang sinabi ng kaibigan ko. “Totoo, Mama Ogs, naka-sex na ng friend kong ramp model si _____ (name ng young actor).”
Teka, paano nangyari ‘yon? Eh, nakasama ko na sa teleserye ‘to, parang hindi ko naman naamoy na “may bahid” ng “paminta” si Young Actor, ah? Anyway, tawagin natin siyang si Mr. Plantsa.
“Sa isang party raw po sila nagkakilala ni Mr. Plantsa. Nagkalasingan sila. Tapos, ang ending, magkasama silang umalis ng party. Tapos, nu’ng nasa pad na sila ni Ramp Model, ‘yun na. Actually, ang plano ni Ramp Model eh, siya lang ang gagalaw at hindi si Mr. Plantsa. Na-shock na lang siya nu’ng pagkatapos niyang i-sing-along si Mr. Plantsa, humirit.”
Humirit ng ano sino?
“Humirit si Mr. Plantsa na susubukan daw niyang siya naman ang lumuhod. Nataranta si Ramp Model. Eh, ‘andun na raw sila, eh. Nilubos-lubos na raw niya. Nag-give in siya sa request ni Mr. Plantsa. Niluhuran din daw siya ni Mr. Plantsa na hindi pa masyadong sanay, pero nakaraos din daw sa huli. Ayun, pareho silang satisfied.”
Si Young Actor ba talaga ‘yon?
“Actually, tinanong ko na ‘yan sa kanya. ‘Eto naman kasing friend ko, never nagsinungaling sa akin ‘yan, eh. Kaya naniniwala ako sa kuwento niya.”
Hay, nako… basta ako, hindi makapaniwala. Kasi, ang alam ko talaga, ibinahay na siya noon ng isang mayamang bading na si bading lang ang “performer” at parang bangkay lang in bed si Mr. Plantsa. Na nu’ng nag-split sila eh, pati mga appliances, binawi ng bading. At ang nakakalokah ng taon, ibinigay nito ang mga binawing appliances sa noo’y bagong dyowang young actor na tinitilian ng mga fans ngayon.
Ewan ko ba. Tulala pa rin ako sa kuwentong narinig ko. Kahit nga ako, Feel Collins ko ‘yang si Mr. Plantsa, eh. Kasi, kahit mestiso pa ang Young Actor na ito ay hindi ko talaga naramdamang bading siya. Pero kung minsan din kasi, natatanso ako ng mga paminta, eh. Kaya malay ko rin, ‘di ba? Hahahaha!
O, kung gusto n’yo ng clue sa initials ni Mr. Plantsa, hanapin n’yo kung alin sa first 5 letters and last 5 letters ng alphabet.
At ‘pag nahulaan n’yo na kung sino itong nasa “Letrang Owwwww!!!! Baligtaraaaan!!!! Sais Nueveeee!!!!”
Bigla na lang kayong sumigaw ng, “Biiiingooo!!!”
Oh My G!
by Ogie Diaz