WALA si PNP Chief Oscar Albayalde sa kanyang opisina nang dumalaw sina Coco Martin kasama sina ABS-CBN COO of Broadcast Miss Cory Vidanes and Dreamscape Entertainment Head Deo Edrinal noong isang araw sa Camp Crame nang bisitahin nila ang pinuno ng PNP na unang umangal tungkol sa “bad image” na reputatation na ipinapakita ng FPJ’s Ang Probinsyano sa manonood.
Wala man si Albayalde (at nasa Dubai), naroon naman ang DILG Asec. Jonathan Malaya parani-welcome si Coco at ang mga taga-ABS-CBN.
Sa kainitan ng usapin tungkol sa palabas at ng PNP, may balita kasi na magsasampa ng kaso ang pamunuan ng ahensiya sa mga taong involved sa aksyonserye na top rater show ng Kapmilya Network since it started to broadcast 3 years ago.
Sa interview ng mga news reporters noong isang araw ay happy ang aktor sa naganap na paguusapan.
Sabi ni Coco sa mga panayam sa kanya: “Magandang pag-uusap ‘yung nangyari ngayong hapon. Nagkapaliwanagan kami ng DILG Secretary Eduardo Año, napaliwanag namin ‘yung side namin na itong mga ginagawa namin sa teleserye ay, kumbaga, inspirasyon para sa ating mga manonood. And then naipaliwanag din nila ‘yung side nila.”
Dagdag pa ng aktor: “Ikinakaganda nito, sa lahat ng pag-uusap namin ay nauwi nagkaayos. Nagkapaliwanagan ng bawat punto at sides, kaya ang ‘yung mas ikabubuti at ikakaano po namin ngayon ay magtulungan kung ano ‘yung mas ikabubuti at ikagaganda ng ating bayan” paliwanag ni Coco.
Hindi man nila nakausap si PNP Chief Albayalde ay balak pa rin ng aktor makaharap ito sa pagbabalik niya next week galing sa isang international conference.
Pahayag nga ng Dreamscape Head na si Edrinal na producer ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa picture na post niya ni Coco with Usec. Malaya: “All’s well that ends well.”
Sa darating na Metro Manila Film Festival 2018, isang police ang role na ginagampanan ng aktor kasama si Bossing Vic Sotto sa official entry na Jack en Popoy(The Puliscredibles) kung saan makakasama ng aktor sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa direksyon ni Michael Tuviera na showing na sa December 25.
Reyted K
By RK Villacorta