BLIND ITEM: Lamang lang nang konti, pero halos dikit sa latest survey ang labanan for governorship ng isang artistang incumbent at isang matagal nang politician.
‘Pag incumbent ka, dapat, mataas ang survey mo. ‘Pag bumaba o dumikit sa kalaban, ibig sabihin, hindi nagugustuhan ang performance mo ng karamihan, kaya ‘yung kalaban mo ang ibinoboto nila sa survey.
Kaya pala, sa mga imbitasyong tinatanguan ng naturang governor ay kadalasan, hindi ito sumisipot at ang ina-alibi na lamang ng staff ay nasa ibang town at namamahagi ng mga relief goods, “But the truth is, wala naman talaga siya roon.”
Isang halimbawa ng aming kausap ‘yung governor’s night mismo na wala ang governor. “Sa’n ka ba naman nakakita na governor’s night, tapos, wala ang governor? Ano ang ending? Hagilap na naman ng irarason.”
Masyado na raw prente sa kanyang posisyon ang naturang governor. “Nagtatampo na sa kanya ang mga constituents niya, sa totoo lang. Puro alibi na lang na napakalaki ng probinsiya kaya lumilibot ang mahal na gobernador.”
Actually, meron din kaming kamag-anak na nakatira sa isang town na nasasakupan ni Gob at ang sey nila, “Hindi nga namin nakikita ni anino niyang gobernador namin, kaya ‘yung kalaban na lang ang iboboto namin sa susunod!”
Kaya kung kami sa gobernador na ito ay medyo magsipag-sipag na para mawala sa isip ng mga constituents niya na wala siyang ginagawa at hindi sayang na siya ang ibinoto nila nu’ng 2010.
Siguro nga, tigil na muna ni Gob ang kagagawa ng movies, dahil mahirap na. Kahit pa sabihin niyang sa sarili niyang bulsa o sa mga investors niya galing ang ginagastos niya sa paggawa ng movie ay baka iba naman ang isipin ng nakararami niyang constituents, ‘di ba?
May panahon pa namang magsipag at sa March 29 pa ang umpisa ng kampanya. Kilos na, Gob!
NAGTU-TWEET SA amin ang mga “CocoJuls” na sana naman daw ay maging magka-loveteam uli sa isang teleserye ang kanilang mga idolo pagkatapos ng phenomenal Walang Hanggan.
Mabuti na lamang daw at merong One Moment In Time movie sina Coco Martin at Julia Montes, kaya hindi nila gaanong mami-miss ang minahal nilang tambalan sa primetime.
In fairness, we’ve seen the full trailer ng movie na ‘yon na dinirek ng aming kaibigang Direk Manny Palo, mukhang interesting siya, huh! Sana nga, malampasan nito ang box-office result noon ni Coco at Angeline Quinto na Born To Love You, dahil ‘pag nagkataon, ‘yun na ang sign na bongga talaga ang tambalang CocoJuls.
SABI NAMIN kay Dominique Roque, “Nako, mukhang tatalunin ng loveteam natin dito sa May Isang Pangarap ang loveteam n’yo ni Aryana noon.”
“Dyowa lang ang peg?” sey pa ni Dom na gumaganap bilang brother ni Nessa (Carmina Villarroel), si Alvin na parang hiphop naman ang bihis.
After Walang Hanggan, kami naman ni Ms. Gloria Diaz ang magsa-sanggang-dikit dito, kaya asahan na ang mga funny moments namin ni Mother Olivia. Matalbugan kaya ni Mother O-Percy (our character) ang Donya Margaret-Kenneth ng Walang Hanggan?
Palagay n’yo? Hindi kasi kami mapalagay, eh!
Basta don’t forget May Isang Pangarap after It’s Showtime!
Oh My G!
by Ogie Diaz