Coco Martin, babawi sa kanyang pamilya ngayong pasko

Coco Martin in one of his cinema rounds for Ang Panday

WALANG MATERYAL na bagay na gusto ang actor-producer-director na si Coco Martin of the MMFF 2017 official entry na Ang Panday ngayong Kapaskuhan.

Basta ang mahalaga para kay Coco ay makasama niya ang kanyang pamilya.

Alam naman natin kung gaano ka-busy ang aktor bago dumating ang Christmas day dahil sa kaliwa’t kanan niyang pagiging hands on sa promotion ng kanyang pelikula na kung saan nag-effort siya na i-produce ito para regalo niya sa mga bata at sa buong pamilya ngayon na nagsimula na ang Metro Manila Film Festival 2017.

Sa pelikula, Coco plays the role of Flavio na makakatungali ni Jake Cuenca as the evil Lizardo.

Sa katunayan, siya lang yata ang bida sa MMFF 2017 entry na nag-effort na ikutin ang buong Pilipinas para mag-promote ng kanyang pelikula na first directorial job niya using his real name Rodel Nacianceno.

Inikot ni Coco ang Luzon, Visayas at Mindanao. Pero hindi pa rin nagkasya ang aktor at nagkaroon pa ito ng palengke tour na binisita ang Nepa Q-Mart, Munoz at Balintawak Market.

Days before the Parada ng Mga Artista, sinuyod din niya ang Cavite at Batangas in one day para tuparin ang pangako sa mga supporters at tagahanga niya dadalawin  niya ang mga ito before the end of 2017.

Coco Martin visits the Sto. Nino Home for the Elderly in Marikina
Sa katunayan, a day before Christmas Day (bisperas ng Pasko yata yun) si Coco tulad ng pangako niya ay dinalaw ang mga senior citizens ng Sto. Nino Home for the Elderly sa Marikina na bukod sa mga bata ay isang sector na tagapagtangkilik niya.
 
Ngayon na hinay-hinay na si Coco, I’m sure happy ang pamilya ng aktor na babawi  ito sa kanila.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleMga bida ng Haunted Forest, excited sa first day of showing nila!
Next articleKC Concepcion, happy sa pagsalubong ng pasko; balik showbiz na sa 2018?

No posts to display