FEW MORE DAYS to go at tapos na ang syuting ng Ang Panday ni Coco Martin na siya ang bida, producer at direktor.
Official entry ang pelikula sa darating na Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Dec. 25. Kasama Ang Panday sa first four movies na napili ng MMFF Selection Committee.
After the shoot ay magiging abala naman ang team ni Coco sa post productions ng pelikula — dubbing, paglalagay ng sound and special effects, musical scoring, editing at iba pa.
Sabi ng mga katrabaho ni Coco, “Mabilis magtrabaho si Direk Rodel. Pagdating niya sa set, ready na siya.”
At kahit daw sobrang busy ng aktor sa FPJ’s Ang Probinsyano, natututukan pa rin nito ang Panday. Magaling daw mag-manage ng time ang actor at newbie director.
“Alam niya kung ano ang ginagawa niya kapag nasa set na siya. Wala siyang sinasayang na oras. Parang hindi siya baguhang director,” komento ng kanyang co-actors.
Very cool din daw ito sa set at talagang marespeto sa mga artista kahit pa siya ang captain of the ship ng pelikula. Traits ni Coco na hinding-hindi pa rin talaga nagbabago hanggang ngayon kahit sikat na sikat na siya, huh!
Star-studded ang Panday dahil more than 80 stars ang mapapanood sa pelikula. Kung paano ito nabigyan ng exposure ni Coco sa pelikula, panoorin na lang natin sa Pasko.
La Boka
by Leo Bukas