UNTI-UNTI NA bang nababawasan ang popularity ni Coco Martin?
Si Coco ang main attraction ng Walang Hanggan at nakasalalay sa kanya ang rating ng show. As of this writing ay pababa na raw nang pababa ang rating nito.
If it posted a 48% rating in the past, ngayon ay nasa 38.8% na lang ang over-all rating nito at kapantay na nito ang Princess & I ni Kathryn Bernardo.
Marami kaming nababasang comment sa internet na nagiging magulo na raw ang takbo ng istorya ng Walang Hanggan. Hindi na raw makontrol ng writers nito ang takbo ng kuwento.
Ang masakit pa, nalait pa ang aktres na si Eula Valdez. Hindi raw nakatulong ang kanyang pagpasok sa number one teleserye ng Dos. Wala raw nagawa ang kanyang performance sa show. Actually, parang siya pa nga raw ang jinx dahil nang pumasok siya ay nag-slide ang rating ng show.
But we think it’s not Eula’s appearance which caused the show to slide down on its ratings. Ang kuwento pa rin ang nagdadala sa show.
Is Coco’s popularity slowly waning or his soap is badly written kaya naman patuloy na bumababa na ang rating nito?
You can have a guess!
TINARAYAN ANG model na si Georgina Wilson dahil sa kanyang Twitter message recently.
Hindi nagustuhan ng isang follower ang tila pagpo-promote ni Georgina ng produktong kanyang ine-endorse sa kabila ng pagtulong nito sa mga nasalanta ng habagat.
“I’m so proud of GARNIER for taking care of Filipinos. They will be donating PHP 5.6 M worth of facial wash!!” tweet ni Georgina.
Pero hindi ito nagustuhan ng isang follower, si @dudeinterrupted, who blasted her on Twitter.
“Self promotors like this @ilovegeorgina should tone it down a bit. The masa crowd don’t worship beauty products like you. Duh,” @dudeinterrupted tweeted.
To the rescue naman si Solenn Heussaff kay Georgina pero maging siya ay binatikos. At one point, nilait-lait din ang kanyang pag-i-Ingles.
Sabi naman ni Georgina, isang French si Solenn kaya naman hirap itong mag-English.
“Thanks for always being there bff Solenn Heussaff. I love you to the core. Haters gona hate and guys sorry if hindi siya magaling sa English, Hello guys, she’s a French girl! What do you guys expect? Duh> please haters back off. #igotyoubackgirl.”
Nagpatutsada rin si Solenn kay @dudeinterrupted and said, “@dooodot @ilovegeorgina they hate everyone that’s not their barkada lol.”
MISLEADING! THAT was the consensus of our writer-friends during a short conversation last week as we were waiting for the rain to stop.
What did we talk about? Well, somebody, a movie scribe, related that the text invite for the TV5 presscon for its new shows Artista Academy, Enchanted Garden and Third Eye said that they have raffle prizes where winners will receive cash prizes.
True enough, nagkaroon nga ng raffle but to the surprise of the reporters ay wala namang cash prizes na ipinamigay kundi gift certificates. And obviously, these GCs came from their sponsors.
Tanong tuloy ng ilan, ang ibig sabihin ba ngayon ng cash prizes ay gift certificates.
Maybe Peachy Guiguio or perhaps Perci Intalan can explain about this brouhaha as many believe that they misled the press into believing that they will be raffling off cash prizes when in fact GCs naman pala ang ipamimigay. Sana raw ay sinabi na lang sa text na GCs ang ipara-raffle nila, eh, ‘di sana wala nang issue.
Alam kaya ito ng mga officials ng TV5? Any comment Atty. Ray Espinosa?
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas