BLIND ITEM: Sino ang nagsabi nito?
“Okay lang na nasaktan ako, nabugbog ako at puro kalmot ako sa eksena. At least, nailabas na niya ang galit niya sa akin. Wala ito. Gagaling din ‘to. Sana lang, tapos na rin sa kanya ang lahat!”
Hindi kasi nagkikibuan sa set ang dalawang bida, dahil nga sa isyung “saluhan” ng boypren.
SAYANG, HINDI kami nakadalo kahapon sa premiere night ng A Moment In Time. Alam n’yo naman ‘tong kumpareng Coco Martin namin. Lahat ng okasyon yata sa buhay niya, lagi niya kaming pinaiimbita.
At magno-nostalgia lang kami, ha? Si Coco, hindi niya makalimutan nu’ng siya’y bugbog sa kagagawa ng indie film. “Ikaw, lagi mo ‘kong tinitira sa kolum mo. ‘Kala ko nga, hindi na kita magiging kaibigan, eh!”
Pero ang totoo, magkumpare pa kami ngayon, dahil inaanak niya ang youngest daughter namin kung saan 3 years na ang utang ng lolo n’yo. Alam n’yo na, hahahaha!
Anyway, maliit na bagay lang ‘yon. Dahil napakalaking bagay sa amin ‘yung nasa tuktok na si Coco, pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga taong nakasalubong niya nu’ng struggling pa siya.
AND SPEAKING of A Moment In Time, ngayong araw na ang showing ng Valentine offering ng Star Cinema, kaya ‘yung mga nabitin sa tambalang CocoJuls sa Walang Hanggan, heto na ang chance n’yo to see them together sa isang napakalaking pelikulang idinirek ng aming friend na si Manny Palo.
At ano kaya ‘yung sorpresang sinasabi nila na mapapanood sa pelikula?
Me gano’n?
Ah, basta, we’re very happy for Coco and Julia Montes, dahil du’n daw sa movie, ano, bale ‘yung nangyari… hay nako, basta panoorin n’yo na lang kung anuman ‘yon.
NAKAKALOKAH ANG karamihan sa mga senatoriables natin sa kanilang campaign ad, ‘no?
Juice ko, alam na alam nila ang problema ng bansa. At ang nakakalokah, alam din nila ang solusyon. Parang ang dali-dali para sa kanila ang mangako, pero pag nakaupo na, lagot! Deadma na. Kalimutan na.
Tipikal na pulitiko talaga ‘tong mga ‘to, sa totoo lang.
Pangako mapapako.
PATAY NA si Lolong, ang pinakamalaking buwaya na nasa bansa. Kita n’yo naman, andaming naaawa du’n sa buwaya. Pinagkakitaan pa nang bongga.
Pero ang mga buwayang pulitiko, hanggang kamatayan, hindi aaming naging buwaya sila. Tapos, kung minsan, bibigyan pa ng 21-gun salute. Hahahaha! Tongue enuhng buhay ‘to, ‘di ba?
Oh My G!
by Ogie Diaz