That’s one thing I like about Coco Martin, kilala ka niya and calls you by your first name.
Sa dami ng mga showbiz reporters-writers, kabisado niya ang pangalan mo at may ready smile lalo pa’t hindi naman kayo gasino nagkikita nang personal, pero alam niya na nand’yan ka para sa kanya (na alam ng manager niya na si Biboy Arboleda).
Sa recent “pasasalamat” event ng aktor at ng aksyon-serye niyang “FPJ’s Ang Probinsiyano” na napanonood after “TV Patrol” (na until now ay mataas pa rin ang rating at hindi natitinag), sa mga entertainment reporters na alam niya na palaging tumutulong sa career niya ay nagre-reachout siya sa amin para magpasalamat.
Hindi tulad ng iba na after ng presscon na humarap sa ‘yo na nakangiti, after ng event nila ay deadma na sila kahit i-tag mo man sila sa kanilang mga social media accounts sa effort na isinulat mo sila, deadma na for me, why give importance sa kanila? Sa tuwirang salita, artista lang sila na tatanda at malalaos din pagdating ng panahon, pero ang mga entertainment writers will always stay.
Sa dinami-rami nga artista sa showbiz na naabutan namin at nangawala, iilan lang talaga sila sa itinuturing ko na gusto ko personally. Minsan, naisulat ko na rin na limang showbiz male stars lang ang gusto ko na ilalaban at isa na nga rito si Coco Martin.
Sa muling pagkikita namin ni Coco, may magandang balita siya sa amin.
Gusto niya na makasama sa aksyon serye as guests sina Sharon Cuneta at Vice Ganda. Maging si Cesar Montano na nagbabalik-telebisyon ay masaya siya dahil sa unang pagkakataon ng pagiging aktibo muli ni Buboy ay napapayag ito na siya ang magiging bagong karakter sa kuwento ng “Ang Probinsiyano” na makakatunggali ni Cardo sa serye.
Maging si Robin Padilla, malaki ang respeto at paghanga kay Coco, at ang detalye kung bakit ay isusulat namin dito sa ‘Reyted K’ kolum namin sa Pinoy Parazzi sa Lunes.
Reyted K
By RK VillaCorta