Ayon sa bida ng “Ang Probinsyano” na si Coco Martin, masaya siya sa nangyayari ngayon sa mga kapulisan lalo na sa pamumuno ni PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
“Honestly, masaya po ako,” pag-amin niya.
“Kasi dati po, lahat tayo, ako may pamilya, sobrang concern ko sa pamilya ko, every night kinakabahan ako kung nasa bahay na ‘yung pamilya ko o natutulog na sila nang maayos. Ngayon alam n’yo po ‘yung pakiramdam ko, ‘yung mga kriminal ang takot ngayon sa nangyayari.
“Na parang feeling ko, dahan-dahan, kung ako man, makakalakad na ako nang maayos. Kasi dati, ‘di ba, parang feeling mo ‘pag madilim, ‘shit baka mamaya merong whatever dito’? Ngayon feeling ko, ‘yung mga kriminal o mga gumagawa ng hindi maganda, sila pa ang natatakot,” katuwiran niya.
Eh, do’n sa ginagawa ni PNP Chief Bato sa mga drug pushers at drug lords, sang-ayon ba siya?
“Sabi ko nga, hindi hundred percent na siguro tama o maganda ‘yung nakikita natin o lahat tayo sang-ayon, pero ang importante sa akin may nakikita na akong pagbabago na kagaya ng sinabi nila. Ang importante naman talaga, eh, ‘yung totoong kumikilos, eh, at totoong tinutupad nila ang ipinangako nila kaya sobrang saya ko po sa mga nangyayari ngayon.
“Pero sabi ko nga po, lahat ‘yan dapat merong ano… kumbaga, dapat inaaral natin ‘yung karapatan natin. Siyempre, hindi naman din po ako papayag kapag alam ko na lumalabag o sumosobra sila sa ginagawa nila. Siyempre, kahit papaano, may human rights na, siyempre lahat tayong tao may karapatan,” paliwanag pa ng aktor.
Ipinahabol pa ni Coco Martin na gusto rin niyang makaharap si PNP Chief Bato. “Sana po ma-meet ko para mapahayag ko rin ‘yung suporta at pagrespeto ko sa kanya.”
La Boka
by Leo Bukas