SERYOSONG YOUNG ACTOR si Coco Martin pagdating sa mga eksena. At mukhang sa likod ng kamera ay makengkoy ito. Marahil, ‘friendly-approach’ niya upang maipakita niya ang kanyang ‘the other side’. Sa totoo niyan, una ko siyang nakita sa screening ng Cinemalaya, kung saan ilan sa mga naging independent films niya ay Masahista at Daybreak. Lalo naman siyang nakilala sa mga TV series na Tayong Dalawa at Minsan Lang Kita Iibigin ng ABS-CBN.
Heto’t pasadahan natin ang bida. Ah, nakita kita roon sa Cinemalaya sa pelikulang Jay, extra ka do’n? “Hindi naman extra. Kasi ano ko do’n eh, parang dumaan lang!”
Whazzup men! Hahaha! Kita na ninyo, mukang nakikipagbiruan pa sa ‘kin. Isang dating paraket-raket at extra-extra, ngayon ay lumalagare na sa pelikula. “Nu’ng time na nasa festival ako abroad, doon ko na-realize na career na pala ito.”
Okey! Nu’ng tinagurian kang the Sexiest Men nu’ng 2010, ano ‘yung na-feel mo? “Sexy! Hehehehehe!” nakatawang mukhang kinukulit na naman ako.
Ano naman ang masasabi ng mga parents niya at sikat na siya ngayon? “Actually, hindi namin ‘yun pinag-uusapan sa bahay. Talagang ini-establish ko na ayaw kong paghaluin ang pamilya ko at ‘yung trabaho. Kumbaga sa bahay, ayokong pinag-uusapan ‘yung sa showbiz at ‘yung sa personal life ko.”
Ito naman ang gusto niyang anyo kung ipe-paint ko siya: “Superhero. Kasi ako ‘yung superhero ng pamilya ko, eh.”
Ayun! ‘Di sa likod nu’n mapagmahal siya? “Siyempre, dapat may leading lady rin ‘yun. Hahaha!”
Sabi ko iyong mommy niya muna. Sagot niya, “Yung lola ko.” Ito’y dahil malaki ang nagawang paalala ng kanyang lola, kaya naging matured ang kanyang pananaw sa buhay.
Paano naman siya kung dumiskarte sa chicks, halimbawa ngayon, kung kursunada niya at paano tumitig? “Kapag pumungay ang aking mga mata. Sabay kagat-labi (sabay tingin ng pasulyap at pa-cute).” Makulit nga ito, hahaha!
On-going pa hanggang August ang Minsan Lang Kita Iibigin, at may mga trabaho si Coco na nakaplano sa indie at sa mainstream cinema. “Pero nasa plano pa. At naglu-look forward akong makatrabaho si Judy Ann (Santos). Sana matuloy.”
Bakit si Judy Ann ang gusto mong makatrabaho? “Unang-una, napakagaling niyang artista. Ikalawa, napaka-professional niyang tao bilang artista. Kumbaga, naglu-look forward ako sa mga ganu’n.” Kailangang lalo pang maging well-versed actor si Coco kaya bukod sa drama at action, ito ang pinaka-bet n’ya: “Gusto ko sana drama and romance.”
Ah, kasama ‘dun ang kagat-labi? “Kasama pa ang kagat-dila, hahaha!” Naku! May nakabantay kasi kaya ‘di ko siya masyado matanong. “Ah oo, mahigpit ‘yan, eh. Papaluin ako n’yan mamaya, eh. ”
Kaya sabi ko, ibulong na lang niya sa akin. Hindi naman. Biro lang, kasi madadale rin ako baka hindi na ako papasukin. Hahaha!
Paano ba mine-maintain ni Coco ‘yung body figure niya at hitsura, dahil siyempre ang puhunan d’yan eh katawan, tapos isip? “Kasi ngayon, sobrang busy ng schedule halos hindi ako nakakapag-workout. Saka hindi rin ako nakakapunta sa Belo, hahaha! ‘Pag may time lang talaga.”
‘Wag kang masyado sa mga ganyan baka tapyasan ka n’yan! Ahahah! “Ah hindi, Belo, kasi lagi kaming nagpupuyat. Kelangan siyempre ‘yung mukha. At saka workout kasi kelangang ma-exercise ang body.”
Sa mga kasing-edad niya, ito naman ang payo niya, “Dapat talaga sa trabaho natin eh, mahaba ang pasensiya mo. Hindi ka nagmamadali kung anuman at nasaan ka man ngayon. Pangalawa siyempre, dapat maging professional ka. At kailangan lagi tayong nagdadasal para may guidance tayo.”
Sakaling dumating ang araw na mag-asawa ka na, ano ang mga tipo mo sa babae? “Simpleng babae.” Dagdag niya, yung aasikasuhin siya. Suwerte ng mapapangasawa ng batang ito. Sana lalo ka pang umunlad.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
By Maestro Orobia
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia