DAHIL PULIS ang role ni Coco Martin sa Ang Probinsyano, natanong ang actor kung ano ang take niya sa pagpasok ng mga bading sa kapulisan?
“Sa tingin ko po walang masama ro’n,” seryosong sagot agad ng award-winning actor.
“Actually, kahanga-hanga nga po ‘yon, eh. Dahil siyempre, unang-una, hanggang hindi niya dinudumihan ‘yung uniporme nila, hangga’t nirerespeto nila ‘yung trabaho nila at ginagawa ‘yung trabaho nila, wala pong problema ro’n,” dagdag pa niya.
“Kasi, iba naman po tayo sa trabaho natin at sa personal na buhay natin. Sa akin po, wala pong masama ro’n sa mga ganung bagay,” patuloy pa ng actor.
Bilang Drama King, uso pa rin ba sa kanya ngayon ang kumpetisyon lalo na sa iba pang mahuhusay na actor ng ABS-CBN?
“Kahit nu’ng nasa indie pa ako, hindi po pumapasok sa isip ko ang kompetisyon. Basta ako, ginagawa ko kung ano ‘yung tingin kong tama,” paliwanag niya.
Sa dami na raw ng nagawa niyang indie films at soap opera sa telebisyon, ang nasa puso niya raw ngayon ay magpasalamat.
La Boka
by Leo Bukas